Erin's POV
My hands were shaking while I was sipping on the last drop of liquid from the paper cup. Maingat ko naman itong ibinaba sa malapit na table.
"Sana all fine daw pero may nginig pang nalalaman ang kamay," pang-aasar ng nagbabantay sa akin.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. Hindi ko nalang siya pinansin at humiga na lang ulit. Hindi ko mapigilang ngumiwi dahil biglang kumirot ang kaliwang kamay ko dahil sa simpleng paggalaw, medyo namamaga pa nga ang mga daliri ko.
It's already three in the afternoon at inabot ng halos tatlong oras ang tulog ko dito sa clinic. Kakatapos ko lang din kumain ng late lunch. Nakakahiya man aminin pero isang tapak pa lang sa loob ng silid na 'to, I fucking passed out. Leche, nakakahiya! Pero hindi ko rin masisi ang sarili dahil totoo talaga ang sakit na naramdaman ko kanina.
"Diba ang sabi ng Doctor na twelve hours ang epekto ng ibinigay niya kanina? Ume-effect na ba?"
I have my jaw clenched when I shook my head. Kanina ko pa nga gustong laklakin ang lahat ng pain reliever dito, eh. Pero kakainom ko pa lang kasi ng pain reliver, baka mamaya pa ang effect.
"Oy, you remember the girl kanina?" Tanong ni Kang.
Ipinkit ko ang mga mata ko at automatic namang nag-appear ang mukha ng isang babaeng nag-aalala.
"I wouldn't forget person who led me here, Kang."
Hindi ko talaga makakalimutan ang
mukhang iyon."Ay ang harsh," natatawa niyang sabi.
"This is honesty speaking, idiot."
Nakaramdam naman ako ng sakit sa noo kaya't agaran kong iminulat mga mga mata ko. May balak pa ata si Kang na magdagdag ng sakit ko sa katawan.
"Gago ka ba? Bakit mo ginawa iyon?" Nakakunot noo kong tanong.
"Trip ko lang," sabi niya sabay halakhak.
Sinamaan ko na lang siya ng tingin.
"Pero sa totoo lang, huwag mo masyadong sisihin si Ate girl. Nakita ko kasi ang nangyari kanina. Iniwasan niya naman ang kaninang mga pasayaw na senior high school students pero alam mo na..." He raised both of his hands, acting like talking to someone above, "...the heavens above decided to add salt to your wound!" Sigaw niya sabay palakpak.
Natigil naman agad siya sa pinaggagagawa dahil dumaan sa bed ko ang school nurse at sinaway siya. Buti nga sa kanya!
I pressed my lips in a tight smile to suppress my laugh, agad-agad naman akong nakatanggap ng masamang reaksyon mula sa kanya.
"Parang tanga kasi," natatawa kong saad.
"Hayaan mo na, at least hindi kasing tanga niyong dalawa ni Ate girl," sabi niya sabay tawa nang mahina.
Napailing na lang ako sa narinig.
---
Dumating ang oras na uwian na at nakarating kami ni Kang ng bahay ng 6 PM. Hindi na rin kami pinapasok ng school Nurse dahil baka ano pang mangyari, excused din si Kang dahil siya nga ang bantay ko 'kuno'. Ang pangit ngang kasama iyon, eh. Paano, iyong prutas na bigay ay siya lang din ang halos umubos. Pangit ka-bonding.
"Oh, kitams! Sampung piso lang talaga ang pamasahe! Mabuti pa ang sinakyan natin, honest!"
Napairap na lang ako sa kaingayan niya. Pagkadating ng loob ay naabutan namin na nagluluto si Tita habang nanonood naman ng news si Tito at Cleo.
BINABASA MO ANG
I don't care
RomanceAfter getting her heart broken by her boyfriend who chose his family over her, Erin decided to runaway from everything. She wants to runaway from her coward boyfriend. She wants to runaway from her stupid boyfriend's awful and pretending family. She...