Erin's POV"Great work! Campo, Porter, and Trinidad, you may now leave the room after cleaning up." Our Zoology professor said.
Nakangiti kaming tatlong lininis ang tray. We just finished our frog dissection activity today. It is not as bad as what I thought. The blood and the organs won't scare you because in reality, throughout the procedure, you'll feel pity more than fear. Poor frogs. However, I am also fascinated with the beating of the live heart. Medyo nanghihinayang lang ako na hindi ako naka-contribute ng malaki sa hands-on experience dahil kahit na tinanggal na ang cast ko...yes, kanina umaga lang siya tinanggal and I had to excuse myself sa first subject namin, which is MMW, para matanggal siya. Akala ko after matanggal ng cast okay na pero hindi pala, I still need to take care of my arm and avoid, of course, high risk activities. And....naka-sling ako ngayon. Pero the good news is I can remove the sling when I am in places na hindi crowded. I also need to do arm exercises para bumalik ang lakas ng muscles ko. Tamad ako sa mga ganyan pero since kailangan talaga, wala akong magagawa.
Matapos linisin ang tray at ang kit, we then bid our goodbye to our other classmates and our teacher.
"Anong oras pa lang?" tanong ni Karli.
I didn't answer kasi between me and Chanel, siya ang may wrist watch. However, minutes have passed hindi pa rin siya sumasagot at parang ang layo-layo ng tingin o acting lang ba niya 'yan? Habang tinatahak and daan papuntang canteen, hinawakan ko ang kamay ni Chanel para tingnan ang oras.
"4 pm sharp," sagot ko then gave Chanel a confused look but decided to stay quiet.
Tumango-tango lang si Karli but I can see her stealing glances from time to time. Anong nangyari sa dalawang 'to? Parang mga tanga. Sensing the awkwardness between them, I decided to part ways.
"Uhmm... CR lang ako." Sabi ko at tumigil sa pintuan ng CR.
I immediately received a warning look from Chanel. Tama ako, may alitan nga ata ang dalawa. Kahapon pa ata 'to, eh. Hindi kasi sila masyadong nag-uusap kahapon which is very unusual dahil hindi ata nauubusan ng pag-uusapan ang dalawa.
"S-Samahan na kita, Erin. Diba kailangan mo ng tulong?" pagpipilit ni Chanel, pinanlakihan pa nga ako ng mata.
Ngumisi naman ako agad sa kanya. I gave a knowing look to Karli then left. Rinig ko pa nga mga sigaw ni Chanel sa labas.
"Erin! Baka mapano ang braso mo, sama ako!" Pork chop, hindi na nahiya si Chanel sa ibang estudyante sa labas.
Ilang segundo ang lumipas at wala na akong naririnig na sigaw mula sa labas kaya't alam kong umalis na sila. Kahit naghugas na ako ng kamay kanina sa laboratory, nag-handwash pa rin ako para maubos lang ang oras. I dried my hand with a towel.
Knowing na kaunti lang ang tao ngayon dahil usually at this time, nagsi-uwian na ang ibang students, naisipan kong tanggalin muna ang sling. Suggested din kasi sa akin na tanggalin ang sling at least 3 to 4 times a day para ma-lessen ang stiffness. Nag-apply na rin ako ng moisturizer sa braso ko dahil nakakainis ang dried skin ko sa part na 'yon. After kasi tanggalin ng cast, halos mahimatay ako sa kalagayan ng skin ko.
I was checking anything unusual on my arm when a cubicle opened. Recognition flashed on her face when she saw me.
"Erin?"
"Rebecca..."
Umayos ako at umusog sa gilid para magamit niya ang sink. She is wearing a Marigold women's polo shirt with the logo of the school on the upper left na ako ang nagplantsa dahil naliligo siya during that moment. We woke up late. By "we," ako lang at si Becca. Kasi si Kang ay isang malaking putangina. Naiinis pa rin ako sa kanya hanggang ngayon, leche. He woke up early pero hindi niya kami ginising! Nagising ako kanina dahil ginising ako ng isang nagpa-panic na Rebecca dahil late na raw kami. Ang gumising kay Rebecca naman ay ang alarm clock namin na kanina pa nagsno-snooze. Walang ginawang effort si Kang! Except lang sa part na linutuan niya kami ng breakfast pero hindi okay 'yon!
BINABASA MO ANG
I don't care
Lãng mạnAfter getting her heart broken by her boyfriend who chose his family over her, Erin decided to runaway from everything. She wants to runaway from her coward boyfriend. She wants to runaway from her stupid boyfriend's awful and pretending family. She...