Erin's POV"Maraming salamat, Tita."
I only received a small smile from her but her eyes screamed worry. If I only decided to be an emo inside my room instead of laying down on a hammock, I won't be in this situation.
"Kung mag-skip ka nalang kaya muna, Erin? First day pa lang naman ng klase, maiintindihan naman ata ng mga professor mo."
Nginitian ko lang siya nang tipid at maingat na inayos ang mga baby hair ko gamit ang kanang kamay.
"That's the point, Tita. First day pa lang at alam mo naman na naniniwala ako sa 'First impression lasts.' At saka, baka may pa recitation agad. Mahirap na, Tita." Sagot ko.
Na-trauma na ako sa pag-aabsent. Kapag lumiliban kasi ako sa klase, maraming nangyayari at ayokong mangyari iyon. Hindi ko na nga magamit ang kaliwang kamay tapos may mangyayaring ganoon. No fucking way!
Dahil na rin sa trauma, ever since junior high school, hindi na ako lumiliban sa klase kahit kasing hot na ng temperature ko si Megan Fox. No! As in N-O!
Wala nang nagawa si Tita kundi tulungan akong isuot ang backpack at higpitan ang tali ng buhok ko.
Lihim naman akong napangiti. Siya lang. Si Tita lang ang gumagawa ng mga bagay na dapat ang ina ko ang gumagawa. Dahil sa naisip agarang nawala ang ngiti sa labi ko.
"Okay ka lang, Erin? May masakit ba?" Nag-aalalang tanong ni Tita.
"Wala po. Nag-aalala lang po ako kapag naisipan kong mag-bawas. Sinong maghuhugas ng puwit ko?"
Napuno ng malakas na tawa ni Tita ang kwarto ko. Hindi ko rin napigilan ang sarili na mapatawa. Kapag tumawa talaga siya ay mapapatawa ka rin. Promise! Parang hinihika kasi si Tita kapag tumatawa, tipong matatakot ka talaga na baka nag-aagaw buhay na siya.
"Eh huwag kang tumae!" Sigaw ni Tita sabay tawa ulit nang malakas.
Tawa lang nang tawa si Tita. Hindi niya napansin na hindi na ako nakikisabay sa kanya. Doon ko lang na-realize na malaking problema pala ang ginagawa kong joke ngayon. Paano nga ba ako magbabawas?
Shit.
"Sasakay ba tayo?"
Hindi ko na nasagot si Kang nang batukan siya ng ina niya mismo.
"Loko ka ring bata ka eh! Malamang sasakay kayo! Kita mong injured ang pinsan mo. Madami ang pwedeng mangyari sa daan, Kang Lim! Umayos ka!"
"Eh ganoon din naman sa tricycle, Ma! Pwedeng maaksidente kami o 'di kaya prumeno bigla ang driver at maipit iyang bali ni Erin!" Nakasimangot na tugon ni Kang sabay kamot sa ulo niyang pinagdiskitahan ni Tita.
Bago pa man mabugahan ulit ang magaling kong pinsan, gamit ang kanang kamay, maingat kong hinila siya palapit sa akin. Nakangiti kong binalingan ang Tita kong nakasimangot.
"Mauna na po kami, Tita. May paparating na tricycle na oh..."
Dali daling pinara ni Kang ang tricycle at ngumiti lang nang nakakaloko sa ina niya bago ako inalalayan papasok.
"Mauna na po kami, Tita!"
"Bye, Ma! Huwag kang mag-alala, mag-aaral ng mabuti ang anak mong saksakan ng gwapo!"
Hindi na naka-angal si Tita nang paandarin na ni Kuya driver ang tricycle.
"Sa SKMF po kami, Kuya."
BINABASA MO ANG
I don't care
RomantiekAfter getting her heart broken by her boyfriend who chose his family over her, Erin decided to runaway from everything. She wants to runaway from her coward boyfriend. She wants to runaway from her stupid boyfriend's awful and pretending family. She...