Chapter 28: Unraveling Odyssey

45 2 0
                                    


"New Species of Dancing Penguins that Prefer to Tap Over Belly Slides Found by Scientists"

Boring.

"Finding the World's Oldest Sock Under a Couch Cushion; Dispelling a 2,000-Year-Old Mystery."

This is newsworthy? What the fuck. Next.

"Researchers Create an Invisibility Cloak for Introverts; Attendance at Social Events Hits Record Lows."

Wish I have that one pero putangina ang boring! Pinatay ko na lang ang TV at frustrated na tumingin sa kisame. It's white. Everything is white and I hate it. Masama kong tiningnan ang nasa kamay ko at ang bag na nakasabit sa IV pole. Ano ba 'yan! Kalahati pa lang ang laman. 

"Miss Porter, hindi mauubos ang laman ng bag kapag samaan mo ng tingin iyan." 

Napatingin ako sa pintuan para hanapin yung may-ari sa boses na iyon. There I can see the person that has been my company ever since na-admit ako dito sa hospital. Joo, a volunteer. 

"Bakit nandito ka? Mas lalo lang akong magtatagal dito kung nandito ka. Sumasama pakiramdam ko sa mukha mo." Nakasimangot kong sabi. 

Nginisian niya lang ako at lumapit sa pole para tingnan kung gaano karami pa ang laman ng bag. 

"Hmm...huwag ka nang sumimangot diyan, nagiging kamukha mo na si Mojojo," pang-aasar niya sa akin. 

Napahawak na lang ako sa sentido ko sa pagkakamali niyang iyon. Ilang beses ko na 'tong pinagsabihan, ang tigas talaga ng ulo. Grabe talaga 'tong hospital na 'to, tumatanggap ng sira ulo. 

"Again, it's Mojo Jojo, Joo."

Hindi niya pinansin yung sinabi ko. "Wow, nag-rhyme ka, ha. Ilalagay ko 'to sa note baka lang dagdag points para ma-discharge ka na dito. Erin Owen Porter, nagiging makata in Day 3. Hindi ko lang sure if improvement 'to o symptom ng ibang sakit." Sabi niya habang may sinusulat sa dala niyang maliit na notebook. 

Anak ng pork chop.

"Alam mo, kung tulungan mo na lang kaya ako na i-persuade yung mga doctor na i-discharge na ako dito? Tangina, kahapon pa ako walang maramdaman pero ayaw pa rin nila ako pakawalan! Look, okay na ako!" I pointed out. 

Yes, I've been here for 3 days. It's been three days since dinala ako dito ni Rebecca. Ang bilis ng pangyayari. I blacked out pero ilang minuto lang iyon. I gained consciousness inside my car which she was driving. Hindi ko alam kung paano niya ako naipasok sa sasakyan, I just hope na I was not that heavy for her to manage. Though nagkamalay ako, it was short. What I just remember was the worried look on her face. She was cursing under her breath while beating the horn. Despite the pain I was feeling, I feel warm seeing her care and worry for my well being. Though nakaka-enjoy na makitang may pake sa akin yung tao, I swear to God, hindi na ako uulit. Aside sa fact na ayaw ko sa hospital at sa kakulitan ni Joo, I had an hour-long scolding from Tita and Tito. Hindi rin nagpahuli si Kang na as what Rebecca told me, napagkamalan pang-shoplifter ng store na pinuntahan niya. Apparently, he was trying clothes on when he received a text message from Rebecca na nasa hospital kami. Itong si gago nagpanic at tumakbo papalabas ng shop na suot pa yung triny niyang shirt. Akala ng mga saleslady magnanakaw kaya hinabol si Kang ng mga security guard. Buti na lang na-convince niya yung mga tao doon na hindi siya magnanakaw, jusko. 

"Sus! As if hindi ko nakikita na nag-eenjoy ka dito."

Halos mabali leeg ko para lang lingunin siya dahil sa fake news na sinabi niya.

"Enjoy? Girl, I am dying he--"

"How about yung time na naabutan kong enjoy na enjoy ka habang sinusubuan nung sino nga ba iyon? Si Rebbie?" Tanong ni Joo habang kumakamot sa ulo niya, halatang gulong-gulo. 

I don't careTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon