Chapter 5 : Classroom Altercation

32 2 0
                                    

Erin's POV

I carefully placed my bag on the floor and sat on the chair. Inilabas ko naman agad ang sketchpad ko at ipinagpatuloy ang ginuguhit kagabi. Matatapos na siya actually, iyong details na lang. I don't know what happened to me that I decided to set aside my other artwork for this one. Hindi kasi siya maalis sa isip ko. Feeling ko nga mababaliw na ako kapag hindi ko nai-guhit kaya hindi ko na ininda ang cast sa kaliwang braso ko.

Buti na lang at ako pa lang sa classroom namin. Walang hiya kasi itong si Kang. Nagkamali kasi siya ng alarm. Imbis kasi na 6 AM tutunog ang alarm niya, na-iset niya ng 5 AM kagabi. Ayaw naman niyang matulog ulit dahil baka sumobra, kaya't naisipan niyang maaga na lang gawin ang morning routine. Alam niyo naman na gago iyon, dinamay ako! Nauna pa nga akong bumangon kaysa sa tiktilaok ng mga manok ni Tito.

Kinapalan ko ang outline to emphasize the shape at natuwa naman ako sa nakita. I'm done!

Nakangiti kong inangat ang pad gamit ang kanang kamay.

"Beautiful..." I muttered. It's beautiful but nothing compares to what my naked eye sees.

I was busy admiring the output that I didn't notice the person behind me, staring also at what I have drawn.

"Sanaol drawerist."

Mabilis kong itinago sa bag ko ang sketchpad at kinakabahan na tinignan ang may-ari ng boses na iyon.

"Karli..."

She smiled then tap my right shoulder, "I knew you will be here. Tara, magmumukhang tanga ka diyan kakahintay."

My brows creased from what she said. Anong ibig sahihin niya doon? On the second thought, I feel relieved that she didn't question my actions. Hail Mary!

"Girl, you weren't here last Monday, right?"

I nodded. Right. I was at the clinic, tending my injury.

"Our section and CE 1-1 will be conjoined for our MMW subject."

"CE 1-1? Wala namang section sa department natin iyan ha?"

Tatlo lang kasi ang section sa kursong 'to. AB, which is ours, for the Biotech students, AM for the Med Bio students, and AV for the Environmental Bio students.

"May dinagdag na section?" Follow-up question ko.

Natawa naman siya at kinuha ang bag ko na nasa lapag. She handed it to me and held my wrist lightly, guiding me out of the room.

"Hindi, ah. Diba Medical related courses lang ang ino-offer ng school?"

Tumango naman ako at sinabayan siya sa paglalakad. She let my wrist go. Iyong strap naman ng bag niya ang pinagdiskitahan niya.

"Unfortunately, one of the professors of MMW died the day before the start of classes, may she rest in peace."

I raised my brows to encourage her to continue.

"Nagkulang ang school sa educator kaya naisipan nilang i-combine na lang ang courses na may konting estudyante. Obvious naman na kasama na tayo doon."

I nodded. Lumiko kami pakanan at tumigil sa isang malaking silid.

"So anong relate naman ng tanong mo kanina about medical courses offered by the school?" Tanong ko.

She checked her watch and looked at me, "This year, tatlong course ang idinagdag ng school na unrelated naman sa pagiging 'Medical Foundation' niya."

I don't careTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon