Prologue
Sabi nila 'pag daw hiyang sa jowa tumataba. So, paano 'yung tumataba pero single? So ibig sabihin 'non hiyang sila sa pagiging single?
Napabuntong hininga ako. Bakit ba pati iyon ay iniisip ko pa? Ano bang pakialam ko sa mga jowa jowa na 'yan? Hindi naman 'yan basehan ng paghinga para hindi mabuhay kapag walang ganun.
I snorted before eyeing around. Ito lang naman ang unang beses na napatapak ako sa paaralang puro mayaman at eleganteng estudyante ang makikita.
Aglea D'arc School..
Ibang iba sa school na inalisan ko. Napaka-private naman sobra ng datingan nito, lahat ng naririnig kong usapan, mga english speaking! Jusko, pahabain niyo ang buhay ko!
Hindi ko alam kung bakit dito pa naisipan ni Lolo na pag-aralin ako ng senior high. Pwede namang doon na lang sa public na dati kong paaralan. Masyado namang nakaka-OP dito.
Napabuntong hininga ako bago pumasok sa room kung saan ako nakalista. HUMSS 1203. Yeah, sa itsura kong 'to nakuha ko pang mag-HUMSS. I'm not magaling in speaking english, but I'm kinda nakakaintindi naman. I love writings and reporting so tingin ko ay dito talaga ako nararapat.
Naupo ako sa isang bakanteng upuan at doon ko lang rin napansin na nasa 29 lang ang students sa room na 'to. Iilan ang babae at kung makatingin pa ay akala mo naman inagawan ng lollipop.
"So, she's our new classmate? And, look girls, sa tabi pa talaga ng mga papables natin naupo! Shucks!"
"True! And beside papa Ishi pa talaga!"
Bulungan ng mga haliparot na babae. Kung maka-papables naman akala mo si Piolo Pascual ang tinutukoy.
Umirap ako sa kanila at prenteng naupo na parang reyna. Wala sa bokabularyo kong patulan ang kaingayan ng mga bubuyog.
Mayamaya ay nakarinig ako ng ingay sa labas ng classroom. And here are I think they're calling oh-so-famous papables. Shucks.
The first one, has a deep dimple and waving his hand like as if he is Alden Richard. The second guy beside him, panay ang kindat at kagat sa labi. Sana dumugo 'yan gagi. And the third one behind them, panay ang flying kiss at nagawa pang umikot at kada babaeng madadaanan ay hinahalikan sa pisngi. The fuck.
Inalis ko na ang tingin ko sa kanila pero nang magkaingay ang mga bubuyog ay naiinis akong napalingon.
Oh wait...meron pa!
Here comes the guy number four, with his bored look and looking straightly on his way. Walang wala sa tatlong lalaking nauna. Para siyang kinulang sa vitamin c. Darn.
Umirap ulit ako sa kawalan at sumubsob nalang sa arm rest ko. Hindi man lang humupa ang ingay ng mga babaeng halos malaglag na ang panty sa apat na 'yon. Akala mo naman ay f-4 kung maka-entrance. Tapos ang pang-apat na lalaki, akala mo naman si Azi. Tss, hambog si Azi hindi tulog!
Halos matumba ang arm chair ko nang may sumipa.
"Tangina! Problema mo ha? Nakakalalaki kana ah. Anong gusto mo suntukan ha?" mayabang na sabi ko nang makita ang apat sa harap ko. At ang sumipa sa arm chair ko? No other than the feeling Azi here.
Napa-ohhh react ang tatlo pati ang ilan naming kaklase na nasa loob ng room. Habang ang isang lalaking nasa harap ko ay seryosong nakatitig sa akin.
Napangisi ako sa loob ko nang maka-isip ng magandang ideya. Oh I love making drama. So here comes your San kai...Shan chai...San Chai...Ah, basta 'yon.
Hinampas ko ang bag ko sa arm rest na nagpasinghap na naman sa nanonood sa amin. Tumayo ako at pumantay sa mga mata niya.
"Anong problema mo ha? Kung makasipa 'to akala mo naman hari ng kungfu. Si Jackie Chan ka? Si Jackie Chan?" inis na tanong ko at pinanlakihan siya ng mga mata.
He snorted. "You're being too insensitive, Miss. You're on a wrong room."
What? Wrong room? Matunog akong suminghal. "Akala mo mauuto mo 'ko?"
Napabuntong hininga siya at tumingin sa tatlo. "Ayusin niyo ang anak ni Sisa na 'to. 'Pag hindi 'yan umayos, dalhin niyo nalang sa mental." bored na sabi nito.
Pinandilatan ko siya ng mata. Anak ni Sisa? Anong tingin niya sa akin baliw? Aba'y gago 'to ah.
"Gag--" tinakpan ng unang lalaki ang bibig ko. At ang dalawa naman ay hinawakan ang magkabilang kamay ko.
"Miss 'wag kang papalag. May baril ako!" sabi ng unang lalaki na inalis ang kamay sa bibig ko para isuot sa loob ng pants niya ang kaniyang kamay.
Napatili ang mga babae. Tinaasan ko siya ng kilay. "Siguraduhin mo lang na mahaba 'yang baril mo."
Napangisi ito. "Hehe nakuha mo agad ang uri ng baril na tinutukoy ko."
Rinig ko ang bungisngisan ng mga kaklase ko. At ang hari ng apat ay prenteng nakaupo sa katabi ng inuupuan ko kanina. Parang walang pakialam sa mundo.
"Troy, halikan mo nga sa pisngi, baka matatauhan." sabi ni guy two kay three.
So, Troy daw ang name? Susubukan palang niyang ilapit ang labi sa pisngi ko ay inapakan ko ang paa niya.
"The fuck?!" angal nito.
"Bitawan niyo nga ako! Mga walangya!" inis kong binawi ang kamay ko at uupo na sana sa upuan nang itulak nila ako sa isang upuan, katabi lang ng upuan ko. So, doon ako napaupo.
Ang sarap sapakin ng mga hayop na 'to lalo na ang hari na akala mo ay kung sino. Naupo sa kanina kong upuan 'yung Troy ang pangalan, and yeah, katabi niya ako. At sunod naman sa akin ay si Braille base sa naririnig kong bulungan ng girls, at sunod sa kanya ay si Dairo base din sa naririnig ko.
I rolled my eyes when Troy smiled at me. Hindi ko na siya pinansin at tumingin sa teacher na ngayon ay kapapasok lang.
"So, class. Meet your new classmate." sumenyas ito sa akin na tumayo, so I did. "Hija, kindly introduce yourself."
Umikot ang mga mata ko sa aking mga kaklase at ngumiti. "Hi, I'm Cessiana Marie Vasquez. Naniniwala sa kasabihang...Kung kaya ng iba, edi sila ang gumawa. And I thank you."
Ngumiti ako na parang kasali sa miss universe bago naupo. Napansin ko na medyo irita ang mukha ni Ma'am at ng ilang classmate ko pero todo ngiti pa rin ako. Pinalakpakan ako ng tatlong tsunggo habang ang isa naman ay masama ang tingin sa akin kaya humarap ako sa kanya at ngumiti ng abot tenga.
__
cessias
BINABASA MO ANG
My Not So Innocent Girl
RomanceDahil sa isang deal, nakaramdam ako ng kakaibang kaba. T'wing nandiyan siya ay parang naglalaho ang lungkot at nabubuo ang saya. Nagiging maliwanag ang maulap kong langit. Nagiging mas maliyab ang nauupos ng apoy. Nagiging maliwanag ang madilim kong...