CHAPTER 21

464 32 3
                                    


Chapter 21

"Hindi na ako handang masaktan ka."

Hindi lang isang araw na gumulo sa isip ko ang sinabi niyang iyon. Ano daw? Anong masaktan? Bakit naman ako masasaktan? Si Takashi nga naman. Kung ano-ano ang trip.

Hayst. Christmas day na ngayon kaya syempre full na full na naman ang sexy tummy ko. Ang sarap talaga ng hotdog, lalo na 'yung inihaw. Damn, nabusog ako. Nakagawian na kase namin ni Lolo ang pag-iihaw t'wing pasko. Bonding na namin 'yon.

"Lo, papasko ko?" pang-uuto ko sa kanya.

"Magsabit kana lang ng medyas, apo. Lalagyan ko ng piso."

"Kuripot mo naman, Lo." napanguso ako.

Tumambay muna ako sa teres habang hawak ang phone ko. Sakto namang tumatawag si Hapones. Ilang araw palang nagsem-break pero nakakamiss na ang apat na tsunggo.

Napangiti ako bago sinagot ang tawag niya.

"Merry christmas, baby." bungad niya.

"Thanks, Papa." napangisi ako at naiimagine na ang itsura niya ngayon. "Ang hirap pala kapag nasa ibang bansa ka, Papa. I miss you na. Kelan ang balik mo?"

"The fuck?" mas lalo akong napangisi nang marinig ang singhal niya. "I miss you too, baby. You want me to go there?"

"Ah, hindi! 'Wag na. May outing tayo diba?"

"Yeah, with our classmates."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. With classmate? Akala ko ay kami lang. Darn. Pero sige na nga. Mas okay 'yon. Graduating na rin naman kami as senior high kaya mas mabuting magkaroon kami ng bonding.

Nagmessage din sa akin ang tatlong papables. Pati mga kamag-anak namin sa probinsya ay nagmessage din sa akin ng merry christmas. Bakit kase puro bati? Send gifts naman!

Kinabukasan ay nagpaalam ako kay Lolo tungkol sa outing na iyon. Saktong dumating si Ishi kaya pati siya ay nakausap pa ni Lolo. Kaya ayan na naman sila.

"Parang pamilyar ang mukha mo sa akin, hijo." kunot-noong sabi ni Lolo.

Pilit ang ngiti na ignawad ni Ishi. "Ah, baka po kahawig ko lang."

"Oo nga, Lo. Ikaw talaga." pagsingit ko.

Nagpaalam na ulit ako kay Lolo dahil pahahabain niya pa ang usapan. Ewan ko ba kung bakit t'wing nakikita niya si Ishi ay parang kinikilala niya ito palagi.

Pinatugtog niya ang speaker niya sa kotse kaya habang nasa biyahe kami ay panay ang kanta namin. Iniisip na siguro ng dinaraanan namin na baka lasing na kami dahil sa ingay.

Nang makarating kami sa beach resort ay nandoon na agad ang mga classmate namin. They are already on their swimming outfits. Buti nalang may dala rin ako. Alam ko na kase ang makikita ko dito. Darn, puro naka-bikini ang mga girls tapos ang boys topless. Napalunok ako nang makita si Troy. Damn. Walang pang itaas na damit at basa na ang buhok niya. Shit, may innocent eyes!

Napahawak ako sa braso ni Ishi at medyo lumapit sa kanya.

"Magpalit na tayo ng swimming outfit!"

"Fine." hinawakan niya ako sa kamay at hinila papasok ng cottage. Nagtungo ako sa may cr habang siya ay nasa may labas lang.

Sinuot ko ang aking black sports bra at black shark short. Inilugay ko na rin ang aking hanggang bewang na buhok. Pagkalabas ko ay naka-topless na rin si Ishi. Wew. May abs akong nasilayan pero hindi ko magawang titigan dahil baka humangin na naman. Hayst.

My Not So Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon