Chapter 32"Apo, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Lolo.
"Opo, may iniisip lang."
Andito na kami sa bagsakan ng gulay. Nasa tabi niya ako habang may mga lalaki namang nag-aasikaso ng mga gulay na dala namin.
"Ano namang iniisip mo?" takang tanong niya.
"Ah, iniisip ko lang Lolo, kung bakit kanina pa nakatingin sakin ang anak ng tinawag mong pare kanina." tinuro ko sa kanya ang lalaking nasa edad ko lang din. Nagpeke siya ng ubo dahil sa pagturo ko sa kanya. Nakasandal siya sa truck at kanina pa ata nagagandahan sa akin.
"Masyado yatang napaganda ang muse ng gulayan natin, kaya talagang tinititigan." aba't proud pa si Lolo.
Napanguso nalang ako at hindi na pinansin ang lalaki. Alam ko naman sa sarili ko na hindi talaga ang pagtitig niya sakin ang iniisip ko, kundi ang biglang pagbalik ng nakaraan sa akin.
Ngayon ko lang na-realize na ang laki na ng pinagbago ng Cemie noon sa ngayon. Hindi ko masasabing I made it through dahil hanggang ngayon naman ay wala paring nagbabago sa nararamdaman ko sa lahat ng nangyari. Ang kaibahan lang ay nagagawa kong maging masaya ngayon sa kabila ng lahat.
"Marcial, ito ba ang apo mo?" tanong ng tinawag niyang pare kanina. 'Yung ama nung lalaking nakatitig sa akin. "Aba'y pagkagandang bata, pwedeng artistahin."
Naiilang akong ngumiti sa kanya. Hindi niya ata ako kilala. Ako po si Cessiana the great. Ang dakilang artista.
"Aba'y kanino pa ba magmamana, pare." si Lolo. Ayan na naman sila.
Bigla niyang tinawag ang anak niyang lalaki. Napapakurap ito na lumapit sa ama at tumingin pa siya sa akin.
"Yes, Pa?" wow, ang bongga ng accent niya. Pang yayamanin.
"Gusto kong ipakilala sa'yo itong apo ni Marcial. Ano nga ulit ang pangalan mo hija?"
Napatingin ako kay Lolo. Shit, bakit ba kailangan ko pang magpakilala?
"Ah, Cessiana Marie po. Cemie nalang." nahihiyang sabi ko. Nakatitig sa akin ang lalaki at unti-unting sumilay ang ngiti niya.
Tapos inilahad niya ang kamay niya. "I'm Denver Ian Arevalo. Ikinagagalak kong makilala ka...Cemie."
Nahiya naman akong hindi tanggapin ang kamay niya kaya inangat ko na ang kamay ko. Pero bigla iyong tinabig ni Lolo.
"Ikinagagalak din ng apo kong makilala ka, hijo."
Napatikhim siya dahil kay Lolo. Gusto ko nalang matawa dahil si Lo na ang nag-aya na umalis doon. Akala ko pa naman ay proud pa siya na ipagmalaki ako sa Denver na iyon, pero siya naman itong umatras. Well, hindi ko rin gustong makipag-interact sa ibang lalaki, lalo na kung hindi ko kilala.
Kumain kami nina Lolo sa isang restaurant dito sa Maynila bago kami umalis. Mabilis lang ang naging biyahe namin pabalik at pagkarating naman sa bahay ay may kanya-kanya na ulit kaming gawain.
Mayamaya ay nagring na naman ang phone ko. Hapones calling...
Naupo ako sa may salas at sinagot ang tawag. Damn, hindi ko rin matiis.
"Hi, miss you." ayan na naman siya sa I miss you niya. Eh kung itali ko na kaya siya sa tabi ko? Ay bet ko 'yon! "Sa isang araw na ang valentines day, you want to go somewhere?"
Oo nga 'no? Valentines na, at shit! Anong ibig niyang sabihin sa tanong niya? Inaaya niya ba akong magdate? Owshi!
"Ah, wala. Hindi ko naman kailangang humanap pa ng lugar dahil..." ikaw naman ang mahalaga para sa araw na 'yon.
BINABASA MO ANG
My Not So Innocent Girl
RomanceDahil sa isang deal, nakaramdam ako ng kakaibang kaba. T'wing nandiyan siya ay parang naglalaho ang lungkot at nabubuo ang saya. Nagiging maliwanag ang maulap kong langit. Nagiging mas maliyab ang nauupos ng apoy. Nagiging maliwanag ang madilim kong...