Chapter 10~ Cessiana Marie Vasquez~
"And now you're claiming my lips, huh?" ngumisi siya sa akin.
Bakit ko nga ba siya hinalikan? Damn. Malay ko ba? Ah, sabi kase ni Direk. Aissh! Bahala nga siya.
Tumayo na ako para maglakad pabalik sa room. Mayamaya naman ay kasunod ko na rin siya at panay ang sipol. Ano bang problema nito? Kapag ako ang humalik napakalaki ng epekto sa kanya, pero 'pag siya naman ang humalik sakin..sumipol ba ako? Hindi! Hmp, napakawalang kwenta naman nitong leading man na 'to. Siya ang nararapat maging extra hindi ako. Hayst.
I scoffed when I saw Troy on the hallway. Panay ang pakilig sa mga babae. Shucks. Kahit kailan talaga ito.
"Hi Ishi, nabasa mo na ba ang chat ni Ma'am sa gc? We don't have classes this afternoon." sabi ni Mia, isa sa kaklase naming babae.
"Why? Half-day?" tanong ni Ishi.
"Nope. May announcement about field trip sa Arts Museum." she answered.
Dahil wala naman daw klase ay tumambay muna ako sa may hagdan. Naupo ako sa pinakamataas at mayamaya naman ay tumabi sakin si Ishi.
"May ganun din pala dito?" tanong ko. Naalala ko kase 'nung elementary at junior high ako, palaging may ganun pero ni minsan naman ay hindi ako sumama.
I don't know, tinatamad ako, either tipid lang talaga ako sa pera. Ang laki pa naman ng bayad sa ganun.
Binuksan ako ang lollipop na nakita ko sa bag ko. Habit ko kase kapag nasa biyahe ang kumain ng mga candy kaya ayan, ang daming tira-tira sa bag ko. Isusubo ko palang sana nang maunahan ako ni Ishi. Isinubo niya ang lollipop ko!
"Hoy! Ang gago! Akin yan e!" reklamo ko habang hinahampas siya. Hawak ko pa ang lollipop at siya naman ay patuloy sa pagsubo dito. Darn. "Ishi! Ang daya...may utang ka sakin na piso!"
Nang lumayo siya sa lollipop ko ay ngumisi siya sakin. "Seriously baby? You didn't told me that you love lollipops. I can buy you the whole store of that." may paenglish pa ang hapon.
Umirap ako sa kanya at inaro dito ang lollipop na hawak ko. "Oh, sayo na 'yan. Kadiri baka may virus ang laway mo. Kahanginan virus. Naku, walang gamot sa ganun."
Ngumisi lang siya. Ang isa niyang kamay ay hinawakan ang kamay kong may hawak na lollipop at inilapit iyon sa aking bibig. Halos patigasin ko ang kamay ko para pigilan iyong makalapit sa bibig ko.
"Ishi naman! May laway mo na 'yan. Duh!"
"Isusubo mo o ako ang magsusubo sayo?"
"Kingina ka, ang isusubo ko ay 'yang sayo e! Tamo!"
Namula ang tenga niya at ang ngisi ay napalitan ng ngiwi. Gusto kong matawa sa reaksyon niya kapag may sinasabi akong nakakaberde ng inosenteng isipan. Napakatino naman, sana all.
Inalis niya ang kamay sa batok ko at parang asar na inagaw sakin ang lollipop at isubo sa kanya. Ayan, ganun lang naman palang kadaling asarin 'to, jusko nagpapakahirap pa ako. Next time talaga maasar nga 'to. Mukhang same vibes pa naman kami ng tatlong tsunggo na kaibigan niya.
I smirked before getting another Lollipop on my bag. Pareho tuloy kaming may tangay ngayon. Ang cute niya pala kapag may subong lollipop. Nagmumukha siyang batang paslit na naligaw sa paraiso. Syempre charot lang.
"Arte. Takot sa laway ko, samantalang hinalikan naman ako kanina." parinig niya pa.
I punched his arm. "Gago, laki talaga ng impact ng halik ko sayo, ano? Gusto mo ulitin ko?"
BINABASA MO ANG
My Not So Innocent Girl
RomanceDahil sa isang deal, nakaramdam ako ng kakaibang kaba. T'wing nandiyan siya ay parang naglalaho ang lungkot at nabubuo ang saya. Nagiging maliwanag ang maulap kong langit. Nagiging mas maliyab ang nauupos ng apoy. Nagiging maliwanag ang madilim kong...