Chapter 39"Cessiana! Ang bulok mo naman, ako nga!" sigaw ni Kuya Adriel. Pinsan ko rin na kapatid ni Amiel.
Lumapit siya sa pwesto ko at siya ang humalang sakin sa paglalaro ng chest game. Hindi naman ako magaling sa laro na 'yon, napilitan lang ako dahil inaya ako ng mga pinsan ko, dito sa kubo na tambayan nila.
I just watched them while playing. Mga pinsan ko sila sa side ni Lolo, kagaya ko, apo rin sila ng mga kapatid ni Lolo. Dahil bakasyon rin sa school ay lahat sila andito. Kompleto nga kaming magpipinsan e, parang nag-reunion lang.
"Cemie, punta tayo do'n sa basketball court dali!" kumapit sa braso ko si Dia at hinila akong patayo.
"Hoy, kayong dalawa. Subukan niyong humarot doon, mapipingot ko kayo!" si Kuya Harold. "Dia, 'wag mong iiwan kung saan si Cemie. Maraming tambay na lalaki do'n."
"Si Kuya naman para akong bata." napanguso ako. "Kaya ko namang protektahan ang sarili ko."
"Kahit na. Mag-ingat ka pa rin. Hindi ka pa masyadong kilala dito. Mag-iisang buwan ka palang dito."
Tumango nalang ako at kumapit sa braso ni Dia habang naglalakad kami papunta sa basketball court. Hayst, masyadong protective 'yong mga pinsan namin na boys. Pero ang cute nila sa part na 'yon ah, kase kilala sila bilang chick boy dito. Unang tingin pa nga lang sa kanila e, parang nang-aakit na tapos kapag naakit ka, bahala kana sa buhay mo. Gano'n sila kasiraulo.
"Ano bang gagawin natin dito?"
"Yung crush ko! Andito kase siya, ayon oh!" turo niya sa lalaking naka-white shirt at may hawak na bola. "Pogi 'no?"
"Ah, pwede na." walang ganang sagot ko. Hinampas niya ako sa braso at inirapan.
"Panget mong kabonding!"
Tinawanan ko lang siya nang nakakaasar. Naupo kami sa may bakal na upuan sa tabi ng court at mayamaya lang ay sumunod sa amin ang iba naming pinsan. Si Amiel, Hanna at si Kuya Kenneth.
Naupo sa tabi ko si Amiel kaya nakisalo na ako sa fishball niya. Ganyan ang bonding, sa aming magpipinsan dapat boys ang gumagastos. Libre fishballs, libre softdrinks!
"Cessiana," tawag sa akin ni Amiel. "Mabuti, dito mo piniling magbakasyon. May balak pa ba kayong bumalik sa inyo?"
Nagkibit balikat ako. "Ewan. Hindi ko pa alam." hindi ko muna natatanong kay Tita iyon. I want to enjoy my stay here.
Tumili si Dia nang napatingin sa kanya iyong crush daw niya. Ayon tuloy, nabatukan siya ni Kuya Kenneth.
"Palibhasa mukhang ipis kaya tinitilian."
"Ambastos mo kuya! Palibhasa wala kang jowa kaya bitter mo! Hmp!"
"Tss. Required ba 'yon? Gumaya nga kayo kay Cemie."
Napangiwi akong napatingin sa kanila. "Nananahimik ako, Kuya. Tapos idadamay mo pa ako."
He chuckled. "Kaya nga kita idinamay e, dahil ang tahimik mo ngayon."
"Oo nga. Question and answer portion nga kita." humarap sa akin si Hanna at Dia na parang handa sa pagtatanong sa akin.
Shit, this is bad. Alam kong may kabulastugan na itatanong ang mga ito. Si Kuya at si Amiel ay nasa akin din ang tingin.
"Anong real reason kung bakit dito niyo napiling magbakasyon? Umuwi si Tita Anna galing America, at narinig ko na usapan nila ni Mama kagabi wala na ulit siyang balak mag-abroad. May nangyari ba?" tanong ni Hanna.
Napahinga ako ng malalim. Naramdaman ko ang kamay ni Amiel na hinahawi ang buhok ko sa balikat kaya napalingon ako sa kanya. He smiled at me.
"W-Wala...Ayoko nang pag-usapan kung ano mang nangyari do'n." simpleng sagot ko.
BINABASA MO ANG
My Not So Innocent Girl
RomanceDahil sa isang deal, nakaramdam ako ng kakaibang kaba. T'wing nandiyan siya ay parang naglalaho ang lungkot at nabubuo ang saya. Nagiging maliwanag ang maulap kong langit. Nagiging mas maliyab ang nauupos ng apoy. Nagiging maliwanag ang madilim kong...