CHAPTER 29

399 35 6
                                    

Chapter 29

I don't know how I still manage to sleep peacefully after that kissed. Parang lumulutang ang puso ko sa tuwa dahil sa nangyaring iyon.

Pero marami paring tanong na gumugulo sa isip ko. About the deal, about his wish, about him and Aria to be specific. Mahal parin naman niya si Aria, and that's according to him, pero bakit sinabi niya sakin 'yung three words na 'yon kagabi? Does it mean that we have this mutual feelings? Damn.

Napabuntong hininga ako at iwiniksi nalang ang mga tanong sa isip ko. Lumabas ako ng tent ko at nakita ko ang karamihang students na may kung anong ginagawa. Lumapit sakin si Troy at Braille.

"Hi, hotdog girl." bati ni Braille.

Lumipat siya sa tabi ko habang si Troy naman ay nakaiwas ng tingin sa akin. Ni hindi man lang niya ako binati. Wew, palagi nalang mukhang problemado ang papables na ito.

"Anong meron do'n?" bumaling nalang ako kay Braille para magtanong.

"We'll having a games. Tara na do'n, dude!"

Lumapit na ulit siya kay Troy at umakbay dito. Lumingon pa siya sa akin at muli akong inaya.

"Si...I-Ishi?" napakagat ako sa aking babang labi dahil sa tanong. Baka isipin nila palagi nalang si Ishi ang tinatanong ko.

Ngumisi si Braille sa akin samantalang si Troy ay seryoso namang tumingin sa akin.

"Tulog pa ang isang 'yon, hayaan mo nalang makagat ng ahas do'n. Rawr!" tatawa-tawa pa siyang umalis habang nakaakbay kay Troy. Tss, walang puso sa kaibigan. Sana maging saging nalang siya para magkapuso.

Napalinga ako sa paligid at lahat ng students nga ay busy na sa games na pakulo ng mga teachers. Nagpunta ako sa tent ni Ishi. Nag-aalangan pa ako kung papasok o hindi. Nakababa naman ang zipper ng tent at mukhang mahimbing pa ang tulog niya.

I cleared my throat. Gumawa pa ako ng kaluskos para magising siya at nagising naman nga agad ang hapones. Sinabi ko sa kanya iyong ginagawa ng classmates namin at nagmadali naman siyang nag-ayos.

Naupo ako sa isang kahoy habang hinihintay siya. Pagkalabas niya ng tent ay nakabihis na siya ng blue shirt at black pants. Ngumiti siya nang makita ako.

"Tara na, you probably want to play the games."

Nagpunta na kami sa mga schoolmates namin. Akala ko ay kung ano ang games na nilalaro nila. Bring me lang pala. Hanep, dito sa gitna ng kagubatan? Bring me? Paano 'pag bring me ahas ang sinabi? Maghahanap talaga sila dito? My ghad!

By partners daw kaya kami na ni Ishi ang naging magpartner. May area na sinabi si Ma'am na bawal puntahan dahil delikado daw at baka maligaw pa kami kaya dito nalang daw sa malapit. I thought it's just the literal Bring me game, pero may thrill itong samin. Bring me leaves. Sa bawat uri ng dahon na sasabihin ni Ma'am na dapat naming hanapin ay dapat ipaliwanag pa namin ang meaning nito, bago ka pa mataguriang winner.

Nawalan na ako ng pag-asa dahil syempre meron ditong mga ala-scientist na students. Mabuti nalang at si Ishi ang nagpaliwanag ng mga nahanap ko.

"Drink." inabot ni Ishi ang isang bottled water sa akin nang matapos na ang laro.

I sat on the grass. Halos isang inuman ko lang ang ibinigay niyang tubig. Darn, nakakapagod. Bakit kaya ganun 'no? Noong bata pa ako, naglalaro din ako ng mga ganung laro pero ni hindi ako nakakaramdam ng pagod, pero ngayon ay ang bilis kong mapagod. Shit, ano 'yon? Sign of aging?

Napansin kong nakatayo parin si Ishi sa may unahan ko pero wala sakin ang tingin niya kundi na kay Aria. Nakatitig sila sa isa't isa, at naputol lang ang titigan nila nang biglang marahas na hinila ni Miguel si Aria palayo. I don't really know what's going on between them.

My Not So Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon