Chapter 14"Cemie, what are you looking at?" naramdaman ko nalang ang kamay ni Ishi na humawak sa aking kamay na nakapatong sa table.
I sighed before looking at him. "Wala. May nakita lang akong gwapo." pagdadahilan ko.
Sana nga gwapo nalang ang nakita ko e. Bakit kailangang siya pa? Nang ibalik ko ang tingin sa labas kung saan sila nakapwesto ay nawala na ang mga ito.
Kung masaya siya. Bahala na siya. Bakit kailangan kong masaktan at umasang maayos pa ang lahat? Wala na, Cemie. Matagal ng walang pag-asa na magkaroon ka ng kompletong pamilya.
Panay ang asaran ng apat sa harap ko pero hindi na ako nakasabay. Damn it! Ano ba naman 'yan! Panira ng araw.
"Ihahatid na kita sa bahay niyo." sabi sa akin ni Ishi nang maunang umalis ang tatlo. "Or you want to go somewhere? Maaga pa naman."
Wala rin naman akong gagawin pero wala akong gana ngayong araw. Para na naman akong bumalik sa twelve year old na Cemie. Iniwan ng ama, pinabayaan ng ina.
"Hindi na. Uuwi nalang ako." nauna na akong pumasok sa loob ng kotse niya.
Nang makasakay din siya ay tinitigan niya pa ako. "Everything's okay?"
"Yeah."
Nagsimula siyang magmaneho at pansin ang panay na sulyap niya. Tss, ano na naman kaya ang iniisip ng isang 'yan? Hindi ko nalang pinansin at nakatingin lang sa labas ng bintana.
Nang makarating kami sa bahay ay bumaba agad ako ng kotse. Mabuti na ang maagap, baka maulit pa iyong nangyari nung isang gabi.
"Sige na! Bye Papa Ishi!" ngumiti ako at ikinaway ang isa kong kamay sa kanya.
Nakatitig lang siya sa akin at medyo salubong ang makapal niyang kilay. Ang ganda ng ngiti ko para pagsalubungan niya lang ng kilay. Napabuntong hininga ako at akmang maglalakad na papasok ng bahay nang magsalita siya.
"Ah, Cemie....Can I have your number?"
Humarap ako sa kanya at bigla naman siyang nag-iwas ng tingin. Aba, trip nito?
"Loloadan mo ba ako kapag binigay ko sa'yo?" ngumisi ako at lumapit sa bintana ng driver seat kung nasaan siya. Ipinatong ko pa ang aking kamay sa bintana.
He sighed and leaned his head on the backrest of driver seat before looking at me.
"Pwede namang ibigay na lang." napakamot batok siya.
"Bakit mo naman kukunin? Kailangan mo sa number ko?"
"Just give it to me.."
"Bakit ko naman ibibigay sayo?"
"Damn. Gusto mo bang lambingin pa kita?" nanghahamon na tanong niya.
Oo daw sabi ng puso ko, pero ayaw ng utak ko. Eh kakampi ako ng utak ko. So no to lambing ako.
Ay ang dami ko pang nasi-say.
Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at ibinigay sa kanya ang number ko.
"Oh, ayan. Kapag hindi ako nagrereply, wala akong load. At kung gusto mo ng reply, loadan mo ako. That easy, my Takashi."
Kumindat pa ako sa kanya bago tumalikod at pumasok sa loob ng bahay.
--
~ Ishigara Ken Takashi~
"That easy, my Takashi."
Ewan ko ba at nagpaulit ulit iyon sa aking isipan.
I heat the punching bag with my burning fist. Kulang nalang ay dumugo ang aking kamay. I never stop punching it 'til I heard my Dad voice.
BINABASA MO ANG
My Not So Innocent Girl
RomanceDahil sa isang deal, nakaramdam ako ng kakaibang kaba. T'wing nandiyan siya ay parang naglalaho ang lungkot at nabubuo ang saya. Nagiging maliwanag ang maulap kong langit. Nagiging mas maliyab ang nauupos ng apoy. Nagiging maliwanag ang madilim kong...