CHAPTER 20

484 41 3
                                    


Chapter 20

"Lo, may lakad ka ba ngayon?" nagtungo ako sa salas kung saan siya naroon.

Kase naman, may pasuklay pa siya ng buhok. Wew, mukhang action star ang datingan ni Lolo. Naka-leather jacket pa 'yan, at maong pants.

He smiled at me. "May kukunin lang ako sa kabilang bayan. Gusto mo bang sumama?"

"Ay hindi na, Lo. Delikadong lumabas ang ganitong dyosa ng kagandahan ngayon. Ber months pa naman, maraming mga kidnapan na nagaganap. Naku kapag nakidnap ako tas pogi ang kidnaper Lo, magmamakaawa akong 'wag na niya 'kong ibalik sayo."

Kinunutan niya ako ng noo kaya natawa ako. Alam ko na ang matik niyang paghampas kaya maagap akong nakailag.

"Ang dami mong sinasabi. Ito talagang batang ito. Kung hindi ka aalis ay 'wag kang magpapa-pasok ng kung sino dito ha."

"Copy, Lolo Marcial."

Sabi niya ay kumpare daw niya ang pupuntahan niya sa kabilang bayan. Kasal ata ng anak ng kumpare niya at baka daw hapon pa ang balik niya. So dahil ako lang ang tao sa bahay ay naghalungkat nalang ako ng mga damit ko.

Bukas ang christmas party sa school at syempre, kailangan kong pumili ng maayos na dress. Nakausap ko kase ang isa kong classmate na babae, si Mia. Oo, nakakausap naman pala ng maayos ang bubuyog kong classmate, tho malimit siyang umirap at may pagkataray parin ang boses. Anyway, ang sabi niya ay dapat semi-formal ang suot. At pwede na daw ang dress basta maayos. Ayaw niya pa sa cheap, powta. Ano naman kung cheap o hindi branded ang damit? Pareho din namang gawa sa tela 'yon.

Nakipag-video call ako kay Tita Anna para humingi ng tulong sa pagpili ng dress. Karamihan pa naman dito ay galing sa kanya.

"Tita, hindi kaya ako magmukhang kawawa sa school? Feeling ko ang susuotin ng mga schoolmates ko, gold all over the body na. Sana all diba?"

Napamurot ako na tinawanan niya pa. Balot na balot ng jacket si Tita dahil umuulan pa daw ng snow sa America ngayon.

"Bakit ka naman magmumukhang kawawa? Subukan lang nila. Uuwi ako d'yan at ako ang mag-aayos sayo. Tignan ko lang kung hindi sila magsi-tulala kapag nakita ang dyosa kong pamangkin."

"Wow! I love you na talaga, Tita favorite!" Pinupog ko siya ng halik kahit sa screen lang ng cellphone. Kung andito siya sa tabi ko ay baka hindi na siya makahinga sa higpit ng yakap ko.

Kaya love na love ko sila ni Lolo e. Masyado nilang itinataas ang confidence ko. Napangiti ako sa kanya.

"Cessiana, kahit anong isuot mo maganda ka. Hindi naman sa damit o itsura palagi nakikita ang ganda. Kundi sa katauhan."

Ay may pa-words of wisdom siya. Sabagay she has a point. Bakit ba kailangan ko pang makipagsabayan sa yayamanin kong schoolmates, ako ay ako. Ipapakita ko kung sino talaga ako. Oh, pak!

Sa huli ay napili ko ang red off-shoulder dress ko, above the knees, at may black belt sa bewang, meron ring maliit na strap sa may balikat. At sabi naman ni Tita ay isuot ko raw ang black boots ko. Darn.

Hapon na rin nakarating si Lolo sa bahay. Mukhang pagod kaya ayon, deretso tulog na. Mukhang naka-shot pa. Sana all talaga Lolo, tibay.

Papasok na sana ako sa kwarto ko nang magring ang phone ko.

Hapones Calling...

Wew. Ano kayang kailangan nito? And speaking of this Japanese jerk. Tumatagal mas lalo siyang nakakaloko, darn. Mas lumalambing siya sa akin kesa 'nung unang buwan na magkasama kami.

Lumabas muna ako ng bahay para tumambay sa labas at naupo sa duyan. I answered his call.

"Sorry, the number you have dialed is un--"

My Not So Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon