CHAPTER 43

473 29 3
                                    


Chapter 43

Panay lang ang buntong hininga namin na nakatitig sa natutulog na si Cessiana Marie. Damn this hotdog girl. Hindi ko siya inilibre ng hotdog noon para lang magkaganito.

Nakaupo ako sa single couch sa harap nila habang si Takashi naman ay nasa may harap ni Cemie nakaupo. Hawak nito ang kamay ni Cemie at panay ang pisil niya doon.

"Basta nalang 'yan napadpad dito. Wearing that pambahay outfit. Pfft" tanghali siya napunta dito at mukhang wala siya sa sarili dahil hindi man lang namalayan na nakapambahay siya. Sando and too short na maong short.

"She has a family problem. At, naging isa pa ako sa nanakit sa kanya." natahimik ako dahil sa sinabi niya. Seryoso ang half japanese. "Should we take her home now?" tanong niya.

"Ikaw nalang ang maghatid. Sasamahan nalang kita."

"I can't. Malaki ang posibilidad na ipagtabuyan ako ng kasama niya sa bahay, lalo na ng Tita niya. Its better kung ikaw nalang, pre."

Minsan lang siya makiusap sa akin. At dahil gwapo at matino naman akong kaibigan sa kanya, pumayag na ako.

Binuhat niya si Cemie papunta sa mamahalin kong kotse at isinakay sa may likuran. Panay pa ang hawi niya sa buhok nito. Tangina, sakit sa eyes. Nakakaiyak.

"Ikaw na ang bahala, pre. Just give me a call once you were there. Subukan mo lang chumansing d'yan, ako ang makakaharap mo."

Napangisi nalang ako sa kanya. Pinaandar ko na ang makina ng kotse at  muli na naman siyang sumilip sa bintana ng driver seat.

"Ingatan mo 'yan ha, pakakasalan ko pa 'yan."

Tsk. Lakas mangarap ng gising ng kaibigan ko. Hindi bale na, basta best man ako. Pinakamagaling na lalaki hahaha.

--

~ Cessiana Marie Vasquez~

Nagising ako na parang nakapatong ako sa spinning wheel. Medyo masakit rin ang ulo. Ano bang pinaggagawa ko kagabi?

Pupungay pungay akong bumangon sa kama at naglakad papunta sa may salamin. Pinagmasdan ko ang sarili ko at namumula ang mukha ko. Amoy alak din ako!

Doon ko lang naalala na galing nga pala ako sa bar ni Dairo kahapon. Shit! Paano ako nakauwi?

Napahawak ako sa ulo dahil sa mga nangyari kahapon. Wala paring epekto ang alak, naaalala ko parin ang lahat ng nangyari dito sa bahay kahapon. Panandalian lang talaga ang epekto ng alak sa katawan.

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Nakita agad ako ni Tita Anna kaya lumapit ito sa akin.

"Ayos kana ba? Bakit ba kung saan-saan ka nagpunta kahapon e!" nag-aalalang sabi niya.

"Sinong naghatid sakin dito, Tita?"

"Ah, kaibigan mo daw. Dairo? Dairo Hermosa daw?"

Salamat. Akala ko ibang lalaki na. Naabala ko pa tuloy si Kumpadre.

Pumasok rin sa kusina si Lolo para uminom ng tubig. Napatungo ako dahil sa nangyari kahapon. Ayaw kong magkagalit kami ni Lolo.

"Naglasing ka kahapon?" hindi ako makapag-angat ng tingin. "Kailan ka pa naging lasinggera, Cessiana Marie?"

"Tay,"

"Hindi kita pinalaking ganyan! Hindi ko nagustuhan iyong pagsagot mo sa Mama mo kahapon. Nawawalan ka ng respeto!"

Hindi ako makatingin kay Lolo. Bakit sa akin siya galit? Bakit parang hindi niya naiintindihan ang galit ko kahapon?

"Hindi kayo pwedeng habang buhay na may galit, apo. Nanay mo parin 'yon. At ikaw Anna, kapatid mo 'yon. Magkakadugo kayo. Anong bang naging pagkukulang ko at naging ganito ang pamilyang ito?"

My Not So Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon