Chapter 11"Cemie, huwag mong aapakan 'yang tanim ko."
Napakagat ako sa labi ng makitang natapakan ko na pala ang iba niyang punla na sili ata 'to. Kaya muli ko iyong inayos.
Nasa vegetable farm kami ni Lolo dito sa likod bahay para mamitas ng mga bunga ng gulay. Pero ako ay ito at nagmumukha lang sagabal. Kawawa naman pati ang tanim ni Lolo, inapak-apakan ko pa.
May nakita akong bulaklak ng kalabasa kaya hinugot ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking short para magpicture.
"Damn, Lolo! Pwede na akong model ng mga gulay mo!" sigaw ko sa kanya.
"Manahimik ka! Baka malanta ang mga tanim ko sayo!"
Ay bad. Nakanguso kong ibinalik sa bulsa ang cellphone at tumulong na sa kanya sa pamimitas. Maggagabi na nang bumalik kami sa bahay.
"Nakausap mo na ba ang Tita Anna mo?" tanong niya.
"Hindi pa, Lo. Baka mayamaya na."
Naghain na ako ng pagkain namin at sabay na ulit kaming kumain. Damn, I love paksiw na kamatis with tuyo!
"Magpapadala daw siya ng pera. Makukuha mo ba bukas? Maaga akong aalis at sasama ako sa magdadala ng gulay sa Manila bukas ng umaga."
I nod my head on him. "Sure, Lolo. Kakausapin ko nalang si Tita mamaya."
Muli ko na namang naalala ang field trip na 'yon. Sa pagkakaalam ko ay next week na iyon. Darn.
Naka-video call ko si Tita at sinabing may ipapadala nga itong pera. Sasabihin ko sana iyong about field trip pero, di bale na. May ipon pa naman ako, siguro ay 'yon nalang ang gagastusin ko. Pahamak talaga ang hapones na iyon. Hindi ko alam na mapapagastos pa ako dahil sa pagpapanggap na 'yan. Psh.
Kinabukasan~
Bago ako pumasok sa school ay kinuha ko muna ang pera. Hindi naman siguro mawawala 'to dahil palagi ko namang dinadala ang bag ko. At sa yayaman na ng students 'don, may magkakainteres pa ba na magnakaw? Siraulo lang gagawa 'non.
Pagkapasok ko sa room ay si Troy palang ang nakaupo sa linya namin. Wala pa ang tatlo.
"Bakit mag-isa ka?" naupo na ako sa tabi niya, sa arm chair ko.
He sighed. "Be mine...So that, I'll never be alone again."
Napa-ismid ako. "Agang bumanat. Ikaw ang banatan ko d'yan e."
He smirked. "Hindi mo na nga ako kailangang banatan eh."
"Huh?"
"Wala!"
Humarap ako sa kanya at nangunot ang noo. "Bakit nga pala wala kang jowa?"
"Required ba?"
Ngumuso ako. "Bakit nga ba 'yon ang tinanong ko sayo?...You're a notorious flirt, Troy. Wala kang sineseryoso?"
Saglit siyang sumulyap sa akin at nag-iwas din ng tingin. "May isang babae lang naman akong gustong seryosohin." matunog siyang ngumisi. "But it's seems that girl don't know that I exist. Tambay friendzone muna."
"Sakit no'n, pre!"
We both chuckled. Dumating na ang tatlo at seryosong naupo si Ishi sa right side ko.
"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Dairo.
"None of your business." sagot naman ni Troy.
"Ngayon ko lang nakitang tumawa ng totoo si Cemie ah." komento naman ni Braille.
BINABASA MO ANG
My Not So Innocent Girl
RomanceDahil sa isang deal, nakaramdam ako ng kakaibang kaba. T'wing nandiyan siya ay parang naglalaho ang lungkot at nabubuo ang saya. Nagiging maliwanag ang maulap kong langit. Nagiging mas maliyab ang nauupos ng apoy. Nagiging maliwanag ang madilim kong...