Chapter 13"Bakit naman ako magseselos kung alam ko namang akin ka?"
Shit! Ano na naman bang trip ng hapon na 'to? Damn!
Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi kaya agad kong nilagok ang natitirang cocktail sa baso ko. Pati ang pulutan na improve version of sisig ay sinunod-sunod ko ang kain.
"Maanghang 'yan, Cem." halos bulong na sabi ni Dairo.
Nakatitig sa akin ang dalawa at napababa naman ako ng tingin sa sisig. Darn, mapula, ang daming sili.
Mas lalong nag-init ang mukha ko lalo na nang maramdaman ko na ang anghang sa dila ko. Para akong pinapaso sa dila hanggang sa aking bituka. Ba't ko ba naman kasi naisipang isubo ng sunod-sunod 'yan. Ayan tuloy. Hindi ako makaangal kahit pati tenga ko ay namula na. Gago ang dalawa, tinitigan lang ako.
"Cemie...ayos ka pa?" tanong ni Dairo na hindi ko alam kung concerned o nanloloko pa.
Wala man lang tubig sa table. Darn. Si Ishi ay tumayo sa upuan at lumapit sa akin para hawakan ako sa kamay.
"Are you okay?" tanong niya. Kingina niya, kasalanan niya 'to e. Kung ano-anong sinasabi. Ayan tuloy, natanga ang sistema ko kaya pati ang lintek sa anghang na sisig ay nilantakan ko. Shucks.
Nang hindi ako sumagot ay sumenyas siya sa barista, kay Justine para dalhan ako ng tubig. Paano ba naman ako makakasagot e, parang paso na ang dila ko. Darn. Isang tunelada atang sili ang inilagay sa sisig na 'yan.
"Drink," ibinigay niya ang isang baso ng tubig sa akin.
"Nilantakan e. Napala." natatawang sabi ni Dairo na sinamaan ng tingin ni Ishi.
"Kingina mo, Dairo. H-Hindi na..sisig baboy 'yan e, sisig sili na 'yan." finally, medyo nabawasan ang init sa dila ko.
"Bakit ba kasi basta-basta ka nalang nagsusubo e." medyo galit na sabi ni hapones. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na akong patayo. "Let's go. Ihahatid na kita sa inyo."
Hindi na ako pumalag. Bukod sa kanina ko pa naman talaga gustong umuwi ay gusto ko muna ring makaagwat sa hapon na ito. Kung ano-anong lumalabas sa bibig e.
"Nag-aya tapos mang-iiwan. Sinasaktan mo ako, dude." madramang sabi ni Dairo nang makalayo kami sa kanya.
Hawak niya ang kamay ko hanggang makalabas kami at himala dahil pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse.
Nang makaupo siya sa driver seat ay humarap ulit siya sa akin.
"Are you okay? Can you show me your tongue?"
Hindi ko na sana siya papansinin pero bigla siyang lumapit at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.
"Okay na! Hindi naman anghang ang tatapos sa buhay ko ano. Ayos na!" hinawi ko ang kamay niya pero hindi man lang lumayo ang loko.
"Bakit ba kasi nagmamadali ka sa pagsubo? Ayan ang napapala. You're too old enough to know what's spicy or not. Now look at your face, you looked like rudolf the red-nosed reindeer."
Umirap lang ako sa kanya. Kasalanan niya kasi ito. Normalize blaming hapones for everything, Cemie. Kung hindi ba naman siya nagsasalita ng kagaya nung sinabi niya kanina, edi sana hindi napaso sa anghang ang dila ko. Hmp. Lakas makaangkin, ano?
Maayos naman ang pagmamaneho niya dahil hindi naman nalasing ang dalawa, actually wala pa sa kalahati ng bote ang naiinom nila.
Nang nasa tapat na kami ng bahay namin ay tumigil na ang sasakyan. Hindi pa naman ako akmang bababa pero hinawakan niya agad ang braso ko.
BINABASA MO ANG
My Not So Innocent Girl
RomanceDahil sa isang deal, nakaramdam ako ng kakaibang kaba. T'wing nandiyan siya ay parang naglalaho ang lungkot at nabubuo ang saya. Nagiging maliwanag ang maulap kong langit. Nagiging mas maliyab ang nauupos ng apoy. Nagiging maliwanag ang madilim kong...