CHAPTER 48

427 35 3
                                    


Chapter 48

"Ate! Open the door! Ate!"

Nagising ako sa malalakas na katok mula sa pintuan ng kwarto ko. Si Cassie na naman. Her morning ritual, making loud knocks on the door. Binuksan ko iyon at sinalubong niya agad ako ng yakap sa bewang.

"Ate, Mommy and I went on the candy store. I buy you a lollipop!" masayang sabi niya.

May kung anong kumirot sa puso ko nang ibigay niya sa akin ang lollipop na heart shape, strawberry flavor. It's just a candy! Bakit pati sa mga ganitong bagay ay kailangan kong masaktan?

"Ate, you looked sad..." malungkot rin na sabi niya. Naupo ako sa harap nito para pantayan ang kanyang tingin.

"Hindi. Ayos lang si ate." I hugged her. Sana nga ayos lang, sana nga.

After that night, wala na akong naging communication sa kanya. Yeah, we're on the same room pero hindi kami nagkakatagpo. Minsan ay siya ang nasa OJT, at minsan naman ay ako. We have a opposite schedule. Balita ko nga kay Braille ay may nag recruit na dito na isang kilalang network pero tinanggihan nito.

Hindi ko alam kung bakit. Ito ang pangarap niya, pangarap naming dalawa.

Sa kabila ng lahat ay pinanatili ko parin ang pagiging Dean's lister ko. I still pursue my dreams, and I know he's doing the same.

Malimit akong nakikibalita kay Dairo, Braille, Troy tungkol sa kanya. Oo, iniwan ko siya...pero hindi naman ibig sabihin no'n na hindi ko na siya mahal. Kaya nga ginawa ko ito e, dahil mahal ko siya. Isa pa, alam ko kung gaano niya kamahal ang Mommy niya, at hindi dapat ako ang maging dahilan para masira ang relasyon nilang mag-ina.

Napatitig ako sa kalangitan habang nakaupo dito sa teres ng bahay. I sighed heavily.

"Cemie," rinig kong tawag ni Mama. Naupo ito sa tabi ko. I saw how she genuinely smile on the night sky. "Kung may problema ka, hindi mo dapat sinasarili lalo pa at meron namang handang makinig sa'yo." she said.

Napatitig ako sa kanya. "Ma, noong iniwan ka ni Papa...gumawa ka ba ng paraan para habulin siya?"

She smiled bitterly. "Hindi! Gago ang ama mo e. Hindi ako naghahabol ng nakawalang aso." she chuckled. "At isa pa, hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa taong ayaw sa akin. Kung ayaw niya sa akin, malas niya."

I slightly smiled at her. At least ngayon, hindi na siya nasasaktan kapag pinag-uusapan si Papa.

"Eh, si Tito Gino? Kapag iniwan ka niya...hahabulin mo ba siya?"

"Ang Tito Gino mo? Depende sa sitwasyon anak, kung aayawan niya rin ako, hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kanya."

"Pero paano kung iiwan ka niya dahil gusto niyang mapabuti ka?"

Taka siyang napatingin sa akin.

"Ah, ibig kong sabihin Ma, diba kapag mahal mo ang isang tao handa kang gawin ang lahat para sa ikabubuti niya..kagaya nalang ng ginawa mo sakin. Anong gagawin mo Ma, kapag ang taong mahal mo iniwan mo dahil...gusto mo ng makakabuti para sa kanya...kahit alam mong masasaktan siya?"

She took out a deep breathe and patted my shoulder. "Alam mo, Cemie. Sa lahat ng pinagdaanan ko, marami na akong natutunan. At 'yang tanong mo..." she smiled. "Kung mahal mo ang isang tao, magagawa mo talaga ang lahat para sa kanya, kahit kapalit no'n ay sakit. Pero kapag mahal mo rin ang isang tao, ayaw mo na nasasaktan siya ng dahil sa'yo."

"At kung ako ang nasa sitwasyon na 'yan, susundin ko lang kung anong nasa puso ko." sabi niya.

--

After graduation, hindi ko na ulit siya nakita. He's ignoring me. Iniwan ko siya pero ngayon ay parang ako ang naghahabol sa kanya.

My Not So Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon