CHAPTER 34

391 31 1
                                    


Chapter 34

"M-Mahal ko pa si Ishi.."

Parang panandaliang huminto ang paghinga ko nang marinig ang sinabi niyang iyon. I can feel the pain stabbing inside my chest.

Naramdaman ko ang paninigas ng lalaking nasa tabi ko. He's staring at me but I don't want to see it. Wala akong lakas, pakiramdam ko ay nanghina ako dahil sa narinig.

Umayos ng tayo si Miguel at kahit malayo ay pansin ko ang pagtiim ng panga niya. Hinawakan siya ni Aria sa braso pero panay ang hawi niya.

"Akala ko ay iba ka..sa lahat. Katulad ka rin lang naman pala nila."

"M-Miguel...I'm sorry." she tried reaching Miguel's arms again but he shoved her away.

Nang maalis niya ang kamay ni Aria na pilit na kumakapit sa kanya ay walang imik siyang lumabas ng room. He left Aria inside the room, kneeling while crying.

Unti-unti akong napatungo sa kamay kong nakayakap pa pala sa braso ni Ishi. Unti-unti ko iyong inalis. There's something on his stares, that made my heart throb in excruciated pain.

Dahil hindi ko na matagalan pa ang mga titig niya ay unti-unti akong ngumiti...ngiting ang nasa likod ay sakit. I stepped back and without saying any words, I turned my back on him. Hindi ko kaya Ishi, hindi ko alam kung kakayanin ko ngayong patay na ang natitirang katiting na pag-asa ko.

"C-Cemie..." rinig kong halos bulong na tawag niya sa akin.

Hindi na ako lumingon pa at mabilis na naglakad patungo sa may sports field. Tears was pricking my eyes. Pilit ko iyong pinipigilan na tumulo dahil ayokong may makakita sakin dito. Hanggang makarating ako sa field. Naupo ako sa ilalim ng puno kung saan walang masyadong students.

I wiped the tears fell from my eye. Hindi dapat ako nasasaktan e. I should be happy right now. Finally, the deal success! Pwede na niya akong samahan kay Papa. Makikita ko na siya. Diba? 'Yon naman talaga ang dapat e. Pero bakit ganito? Bakit ang sakit?

Ito ba ang consequence kapag minahal ko 'yong taong hindi ko naman dapat mahalin?

Pinahid ko ang luhang pumatak sa pisngi ko at inayos ang sarili nang matanaw ko si Troy na may hawak pang baseball bat at tumatakbo na palapit sa akin.

"Cemie? What are you doing here?" takang tanong niya. Naupo siya sa tabi ko at pinakatitigan ako. Hindi ako makasagot. Isang salita ko, baka bumigay ako. "Umiyak ka ba?"

Hindi parin ako sumagot. He leaned my head on his shoulder. Hinagpos niya pa ang buhok ko...reminding me of Ishi. Ngayon palang... hindi ko na kayang lumayo siya sa akin. He can take Aria back, maaring maging sila ulit. At ako, wala na.

Hinayaan ako ni Troy na umiyak habang nakahilig sa balikat niya. Walang salitang namutawi sa pagitan namin. I know that he's thinking what's going on with me. Hindi ako ang Cemie na kilala nila. Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak kasama siya. But I was thankful that he came, may balikat parin akong nasandalan.

Parang nagkaroon ng harang sa pagitan namin. T'wing umaga ay halik niya sa noo ko ang sumasalubong sakin pero ngayong umaga na siguro ang simula, wala ng Ishi. Wala ng Hapones na sasalubong sakin.

Tahimik ang apat ngayon kumpara sa nadadatnan ko dito sa room t'wing umaga noon. Hindi ko alam kung may alam na sila sa nangyayari.

I still sat beside Ishi. Deretso lang siyang nakatingin sa unahan. Hanggang maglunch time ay walang salitang namumutawi sa pagitan namin. Nakakapanibago. Kung noon ay hinihiling ko na sana ay matapos na ang deal, pero ngayon ay gusto kong hilingin na sana ay hindi nalang.

My Not So Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon