CHAPTER 22

441 36 4
                                    


Chapter 22

Mahaba-haba rin ang naging sem-break namin kaya marami din kaming naging bonding ni Lolo. We also visit our relatives in the province. Halos dalawang linggo din kami doon sa probinsya.

Hanggang New year's celebration kami doon kaya namiss ko rin ang bahay namin dito. At pati na ang apat na tsunggo. Nakakamiss din naman pala ang kakulitan nila.

Napangiti ako ng maalala ang usapan namin sa tawag ni Braille noong New years eve. Usapan namin na pagtripan si Ishi na hindi ko replyan ang mga text at chats niya. I also posted a photos of me with my boys cousins. Si Braille ang nagpakita no'n kay Hapones. And guess what he texted me that time?

Hapones:

I'll search the location of that province where you are.

Try me, Cemie.

Natawa nalang ako noon dahil kinabukasan ay umuwi na rin naman kami ni Lolo. Inaya niya pa sina Braille pero walang sumama sa mga loko. Gags, ang layo-layo kaya ng probinsya nina Lolo. Malabong marating niya mag-isa. Edi maligaw lang ang hapones na 'yon.

Kinabukasan ay araw na ulit ng pasukan namin kaya ngingiti-ngiti akong naglalakad sa hallway papasok sa room. Namataan ko agad ang busangot na si Takashi.

"Cemie, ang gwapo ko!" sigaw ni Troy na nasa may una at nakaupo sa teachers table. Loko.

"Peyk nyews!"

Naupo ako sa aking arm chair at humarap kay Ishi. He's still on his poker-face. Mukhang tampo parin sa hindi ko pagreply sa kanya noon.

"Uy, I have something for you." I smiled at him but he just tsk-ed. Napanguso ako at nangalumbaba sa arm rest niya. "Ayaw mo? Gusto mo kay Braille ko na lang ibigay?"

"Ay bet ko 'yan, Cemie." kumindat pa si Braille at nagthumbs-up.

Walang pakialam ang itsura ni Ishi na nakatingin lang sa una. 'Yung tipong parang magandang hangin lang ako sa tabi niya. Kung makapagtampo naman ito dinaig pa ang babae. Tsk, akala mo naman hindi rurupok. Tignan niyo 'to.

Inilabas ko ang isang balot na lollipop mula sa bag ko. Alam kong pareho naming favorite 'to.

Nakangiti ko iyong idinaan sa mukha niya bago ako prenteng sumandal sa likod ng aking upuan.

"Sayang naman, wala akong ka-share. Walangya talaga 'yung tumatanggi sa dyosa ng kagandahan. Sila na nga 'yung binibigyan, ayaw pa. Hayst, ang kapal ng mukhang tanggihan ako without knowing na anak ako ng isang mafia boss. Tss."

Binuksan ko ang isang lollipop at isinubo iyon. Minsan ay inaagawan niya ako ng lollipop lalo na kapag strawberry flavor. At 'yon ang flavor ng lollipop na binili ko. Sinubukan ko siyang akitin gamit iyon. Subukan natin kung matiis niya pa akong hindi pansinin.

"Sa province ko pa naman binili 'to. Ang layo ng pinaggalingan tapos pagdating dito tatangihan lang? Damn, masakit 'yon sa fucking heart. Siya pa naman ang nasa isip ko nung oras na binibili ko 'to." pagpaparinig ko pa.

Natawa ako sa sariling katangahan. Finally, tumingin na siya sa akin. With his trying to hide smirk. Ako naman ang umiwas ng tingin ngayon habang yakap ang isang balot na lollipop. Para akong bata na nagdadamot sa kalaro.

"Whatever, kung ayaw niya, edi don't. Hindi naman siya ginto para--"

"Tss,"

Bigla niyang naagaw ang isang lollipop na hawak ko at isinubo niya! My gosh! May laway ko na 'yon e!

Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay.

He sighed. "Fine! I still hate you for not replying on my messages. But fine, I'll forgave you this time." he cleared his throat and avoided my stares. "Thanks for always thinking of me, baby. And also for sharing the history of this lollipop."

My Not So Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon