CHAPTER 15

508 42 1
                                    


Chapter 15

"Ano namang nakakaselos? Bakit naman ako magseselos? Saan naman ako magseselos? Paano ba ang magselos?" dere-deretsong tanong ko sa kanya.

The hell. Napaka-kapal ng pes niya. I rolled my eyes on him.

"My jealous baby is being talkative again." ngumisi na naman siya.

At talagang ipinipilit niya iyon ano?

"Bahala ka nga!" uminom lang ako sa softdrinks niya bago naunang lumabas ng canteen.

Bakit ba palagi niyang ipinipilit na nagseselos ako? May dahilan ba? Wala!

Napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Dairo. Hinila ko siya sa braso at napakamot naman siya sa batok dahil mukhang nagmamadali.

"Hingal ah. Ginawa mo?" napangiwi ako nang mapansin na gulo ang kanyang kuwelyo.

Napalunok siya at lalong napakamot sa batok. "Ah, wala. May hinahabol lang. Sige, Cem. Bye!" mabilis niyang inalis ang hawak ko sa kanyang braso at nagsimula na ulit tumakbo.

Sino kayang hinahabol 'non? Ah, baka ang kalahi niyang tsunggo. Ah, oo nga. Bahala nga siya. Pake ko ba naman sa mga kalahi niya.

Tumambay ako saglit sa may gym dahil hindi pa naman time ng klase. Wala parin naman akong gagawin sa room, at mukhang hindi ako nasundan ng hapones ah. Saang lupalop kaya 'yon napunta? Hayst. Pasalamat ka nga Cemie at hindi ka nasundan. Dahil naku, ang sarap niyang hampasin kapag nakangisi.

"Nagseselos daw ba naman ako, eh wala namang dahilan. HAHAHAHA funny." napairap ako.

Naglakad na ulit ako pabalik sa room dahil time na ng klase. Halos kasabay ko pang pumasok sa pintuan si Dairo. Mukha siyang inagawan ng lollipop. Busangot na busangot at may itinatalak na hindi ko naman maintindihan.

"Nyare dyan?" tanong ko sa tatlo nang maupo si Dairo sa tabi ni Troy.

"Nabawasan ng sperm."

"What?" hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa sinabi ni Troy. Seryoso niyang sagot iyon. At tinignan ko ang dalawa sa gilid ko at seryoso din. "Seryoso Troy?"

"Do this handsome face looks kidding?" maarteng tanong niya pa. Taray naman ng lahi ng mga ito.

"Ibang bataan ang sinugod." dismayadong sabi pa ni Braille habang iiling-iling.

Napakunot ang noo ko sa sinasabi nila. Ano ba 'yan. Kulang naman ang ibinibigay nilang info eh.

Humarap ako kay Ishi na naka-poker face. "Ano bang sinasabi ng mga kalahi mong 'yan?"

He did not answer.

"Ishi?"

Tinignan niya ako na parang hindi naintindihan ang sinabi ko. "Who's Ishi?"

Aba't natanga. Sino daw si Ishi? Ah, siya lang naman ang pinakamagaling sa larangan ng actingan. At tinaguriang mahangin actor of the year.

"Hapones tigilan mo ako sa kalokohan mo. I'm serious here."

"Hapones? Who's that Hapones?"

Damn. Talagang sinusubukan ako oh.

"Baby.." malambing na tawag ko sa kanya at hinawakan siya sa pisngi.

"Yes, baby." ngisi na naman niya. Napaismid si Braille at Troy dahil sa amin. Hmp, ito kaseng hapones na ito e, pa-center of attraction ang peg.

"Anong meron sa kaibigan mo? Naka-drugs ba 'yan? Mukhang adik oh." nang-aasar kong nilingon si Dairo. Nakabusangot siya sa akin. "Nilapa ba 'yan ng langgam?"

My Not So Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon