Chapter 30
Ngumisi siya sa akin na akala mo ay talagang panalo na siya sa akin. Psh, talagang ginawa niyang panakot ang halik niya ah.
Napairap ako sa kanya. "Idiot."
"What did you say?"
"Sabi ko ang fresh mo ngayon. Pwede kanang pang commercial ng deodorant. Fresh all day."
"Tss,"
Sinimulan na niyang kumain kaya ganun din ang ginawa ko.
Pagkatapos ay meron ulit activities na ipinagawa ang mga teachers sa amin. We spent the rest of the day here with so much fun. Araw-araw ay ang dami naming natutunan about sa mga activities, moreon it is about environment and nature, kaya nakaka-enjoy gawin.
Last day na namin bukas kaya ngayong gabi ay nag-bonfire ulit kami. Napuno ng kwentuhan ang paligid, kantahan, tawanan. And I didn't expect that some of them will be emotional. Graduating na kami as senior high, at ang iba sa kanila ay nagkwento na sa ibang bansa na sila magpapatuloy ng pag-aaral. Parang naging recollection ang huling gabi namin dito.
Naunang umalis ang iba at bumalik na sa tent nila. Naiwan ang ilan sa amin na may kanya-kanya nalang kakwentuhan. Lumapit si Ishi sa akin at biglang pumwesto sa likuran ko. Napatutop ako ng labi nang maramdaman ko ang yakap niya mula sa likod, ang parehong binti niya ay nasa magkabilang gilid ko, para niya akong ikinulong gamit ang mga hita niya. Dahil malamig ang simoy ng hangin ngayong gabi ay pinili ko ang damahin ang yakap niya. Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko at minsan naman ay hinahalikan niya ako sa sentido.
"Cemie," marahang tawag niya.
"Hm? Bakit hapones?" medyo lumingon ako sa kanya.
"Are you planning to study somewhere? Away from here? Away from me?" tanong niya. Malayo sa kanya? Kaya ko pa ba 'yon? I don't think so.
"Ah, hindi ko pa alam. Depende parin kung saan ako magco-college. Ikaw? Are you planning to study abroad? Sa Japan? Diba sabi ng iba mas maayos daw mag-aral ng college sa ibang bansa?"
"Depende lang naman 'yon sa nag-aaral. But me? Wala sa plano ko ang mag-aral sa Japan, hindi ako aalis dito hangga't may dahilan ako para manatili."
I gulped on what he said. Mas niyakap niya ako at ramdam ko ang paglalim ng kanyang paghinga. Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa may earlobe ko. Shit, para akong kinuryente dahil sa ginagawa niya. Medyo napaiwas ako dahil sa kiliti, napatingin siya sa akin at ngumiti.
"Why so sweet? Hindi ka pwedeng artista, baka lahat ng leading lady mo ay ma-fall sayo dahil d'yan sa pagiging sweet mo."
"Why? Na-fall kana ba?" ngisi niya.
Napaiwas ako ng tingin dahil sa tanong niya. Hindi mo lang alam Ishigara, hulog na hulog na. Alam mo ba kung gaano ka-delikado itong nararamdaman ko para sayo? Sa patuloy na pagkahulog ko, walang kasiguraduhan kung may sasalo.
I bitterly chuckled. Hindi ko nalang sinagot ang tanong niya. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa bawat halik at dampi ng balat niya sa akin.
Nang umalis na ang ibang students ay kami nalang dalawa ang naiwan. Muling nanuot sa alaala ko ang nangayari no'ng nakaraang gabi. Palaging saksi ang nagliliyab na apoy at maliwanag na buwan sa aming dalawa.
Umalis na siya sa likuran ko at lumipat sa aking tabi. He smiled at me. Hindi ko alam pero malaking pagbabago na ang nakikita ko sa paraan ng pagtrato niya sa akin, parang t'wing kami lang dalawa ang magkasama ay ibang Ishi ang nakikita ko.
"You're staring at me for more than a minutes, baby. Ganyan ba akong kagwapo sayo?" he smirked.
"Ang kapal mo naman."
BINABASA MO ANG
My Not So Innocent Girl
RomanceDahil sa isang deal, nakaramdam ako ng kakaibang kaba. T'wing nandiyan siya ay parang naglalaho ang lungkot at nabubuo ang saya. Nagiging maliwanag ang maulap kong langit. Nagiging mas maliyab ang nauupos ng apoy. Nagiging maliwanag ang madilim kong...