CHAPTER 7

507 47 1
                                    


Chapter 7

Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'yon. Isipin niyo nga, ako daw nagseselos? Owemji! Over my dead body!

Panay ang irap ko habang nagkukusot ng damit. Sabado ngayon kaya walang pasok, at itong paglalaba at paglilinis ng bahay ang inaatupag ko. Oh, sipag ko diba? Sana kayo rin.

Nasa may likod ng bahay ako naglalaba kaya wala akong matanaw kundi ang mga puno at vegetable farm ni Lolo. Isa iyon sa pinagkakakitaan niya. He loves planting, kaya talagang binili na ni Tita Ana ang lupang ito para sa kanya.

Hindi naman kami mayaman at ang layo-layo ko kumpara sa mga schoolmates ko. Pero okay na 'ko sa estado ng buhay namin ngayon, atleast ang pera na ginagastos namin, nagmula sa desente at marangal na trabaho.

"Cemie, pumunta ka nga muna dito saglit."

"Po?"

Inalis ko ang bula sa kamay ko at pumunta sa labas ng bahay, sa may puno kung saan nandoon si Lolo at nakaupo sa duyan.

"Gusto mo bang lumabas? May pupuntahan tayo." sabi niya.

"Saan ba 'yan Lo? May pogi ba?" tanong ko at agad niya namang ibinato sa akin ang tsinelas niya.

Tingnan mo itong si Lolo. Ang galing mangaral sakin na 'wag daw akong mag walang hiya, pero siya naman itong napakawalangya. Hmp.

"Bilisan mo na sa ginagawa mo. Aalis na tayo mayamaya." sabi niya at naglakad na papasok sa bahay.

Kaya bumalik na ako sa ginagawang paglalaba para makasama sa kung saan man ang tinutukoy ni Lolo. Saan ba kase 'yon? Napakagulo namang kausap ni Lolo e.

He was wearing a blue polo shirt and black pants, akala mo naman manliligaw, multuhin sana siya ni Lola. Nagsuot lang ako ng white fitted pants at black shirt na nakaparagan sa pants ko.

"Saan mo ba balak dalahin ang kagandahan ko, Lo?" tanong ko nang makasay na kami sa tricycle.

"Sa mental, masyado kanang lumalala, apo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at pabiro ko siyang hinampas. Walangya talaga nito. Kung hindi ko lang talaga ito Lolo naku baka naihagis ko na siya palabas ng tricycle na ito.

Nakanguso akong napatingin sa may daan. Minsan lang talagang mag-aya na lumabas si Lolo. At t'wing may okasyon lang 'yon, minsan ay kapag birthday namin, pasko, bagong taon. Pero wala namang okasyon ngayon ah? Kailangan bang ipagdiwang pa ang kagandahan ko? Hayst. Araw araw akong maganda, paano 'yan lalaki ang gastos ni Lolo.

I chuckled at my thought. Napansin kong papunta sa may mall ang dinaraanan namin.

"Wow. Sa mall ang punta, Lo?" nakangiti akong umakbay sa kanya nang nakangiti itong tumango. "Bakit? What's meron?"

"Wala. Gusto ko lang lumabas kasama ang napakaganda kong apo. Gusto kong maranasan mo ang mga pagpasyal na ganito kahit wala ang magulang mo." ayan na naman siya.

I smiled weakly on the road. "Ano ka ba, Lolo. Ayos na ako nakasama ka at maging kapamilya kayo ni Tita Ana. Masaya na 'ko sa inyo. Kahit hindi maranasan ang ibang bagay.."

Naging tahimik ulit kami hanggang makarating sa mall. Hindi ko alam ang trip nitong si lolo, basta nalang nag-aya. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na baka manchi-chicks lang siya dito. Hayst.

Pumasok kami sa loob at naglibot-libot sa paligid. May bibilhin daw siyang mga gamit sa vegetable farm niya at hinayaan akong maglibot mag-isa. Wala naman akong balak bilhin e, kaya paikot-ikot lang ako.

Napatingin ako sa taas, at nakita ang tatlong tsunggo. Si Dairo ay nakasandal sa may railings habang kausap si Ishi at si Braille naman ay hawak ang cellphone. Ano kayang ginagawa nila dito?

My Not So Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon