CHAPTER 19

484 36 10
                                    


Chapter 19

"Cessiana Marie, late kana sa katititig mo d'yan sa cellphone mo!" ang lakas namang makasigaw nitong si Lolo. Akala mo nagtatawag ng buong barangay.

Inayos ko na ang gamit ko at nakangusong lumapit sa kanya.

"Ito na nga, Lo! Papasok na. Bye." humalik ako sa kanyang pisngi at yumakap.

"Mag-iingat ka."

"Opo, Lolo. Bye!"

Nang makasakay na ako sa tricycle papasok sa school ay muli akong napatitig sa aking cellphone. Hindi ako pinatulog ng text na iyon ni Ishi. Walangya talaga. Aish! Anong I love you too 'yon?

Nang makarating sa school ay natanaw ko agad ang apat sa may gym. Nakasandal sila sa may poste na akala mo ay model ang itsura. Kaya umani na naman sila ng tilian sa mga bubuyog. Tss. Nakakalimutan ko na mga feeling f4 nga pala ang mga ito. Halos ang nilalakaran ko ay may mga nagkalat na babae at nasa kanila ang tingin, ang iba ay hindi na tumitingin sa dinaraanan makita lang ang mga oh-so-famous papables. Shucks naman. Pa-shout out nga.

Napangiwi nalang ako at umiba ng dereksyon. Pero natigilan ako nang biglang may humila sa braso ko.

"Baby, you can't escape me that easy."

Natulala nalang ako kay Ishigara na nasa harap ko na. Yeah. That's too sudden. Kanina lang ay katabi niya ang apat na nag-aala model tapos ngayon ay nasa harap ko na agad siya. May lahi ata 'to ni The flash.

His hands on my cheeks brought me into senses. Marami ang nakatingin na students sa amin. At parang papatayin ako ng tingin ng mga babaeng nagbubulungan kanina.

He cupped my face and I thought he will going to kiss me on my lips but he just kiss me on forehead. Damn. Ano ka ba, Cemie. Hindi kana nasanay sa galawan ng hapon na 'yan. Ibinaba niya ang kanyang kamay sa aking balikat.

"Good morning." ngumiti siya na nakapagpasingkit lalo sa mga mata niya. Shit, bakit ba ang fresh lagi ng dating ng mga papables na ito.

Napalinga ako sa paligid at nang makita si Aria kasama ang ilang kaklase niya ay humawak ako sa pisngi ni Ishi at ngumiti rin sa kanya.

"Good morning, hapon."

Pareho kaming nakangiti sa isa't isa na parang tanga. Hanep siya, akala ba niya ay nakalimutan ko na iyong text niya. Dito palang gusto ko na siyang kurutin dahil sa paggambala sa akin ng reply niyang iyon. Darn.

Pumasok kami sa room at dahil wala pang klase ay panay na naman ang kwentuhan nila.

"Kung tutuusin mali talaga 'yon, hindi tamang i-judge ang isang tao base sa itsura." sabi ni Dairo.

Well I agree with him. Pinag-uusapan kase nila ang nagtrending ngayon sa social media daw, ngayon ko lang rin nalaman 'yon dahil hindi naman ako active sa social media. Meron silang ipinapanood sa akin na video about sa isang babaeng guro na ni-rant ng mga kasamahan niya. At sinabi nila sa video na walang kwenta daw ang guro at panget, hindi nababagay sa propesyon na iyon.

As in seriously? Ang itsura ba ang magtuturo sa mga estudyante para maging hadlang ang itsura nito? They degrade her profession just because of her looks? Huh? And how can they judge her without looking on what she's capable of?

"Degrading someone is very very wrong." iiling-iling na sabi ni Braille. "Hindi dapat hinuhusgahan ang isang tao base sa itsura. That's a saying, right? What is it again? Don't judge the look by it's cover."

Dairo tsked. "Don't judge the cover by it's look."

"Don't cover the judge of it's book." pakikisali ko sa katangahan nila.

My Not So Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon