Chapter 5"Tomorrow will be our P.E class. At maglalaro kayo ng volleyball kasama ang ABM 1201. So bring extra shirt. That's all for today. You may have your lunch."
Pagkaalis ni Ma'am ay sunod na agad ang mga kaklase namin. Akala mo naman mga gutom na gutom.
Napabuntong hininga ako bago tumingin kay Ishi. Napansin ko agad ang paggalaw ng panga niya.
"Uy, problema mo?" beast mood pa ata si Papa Ishi ah. Napaka-aga naman.
Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Did you heard the section mentioned by Ma'am Senya? That's their section."
Ah, iyon naman pala. "Oh, anong ikina-iigting ng panga mo 'don? Diba mas okay nga dahil mas makikita ni Aria ang actingan natin. Mas magseselos 'yon."
Nang tumayo na siya sa upuan ay tumayo na rin ako. Like what he's normally doing, he hold my hand while we're walking.
"Remember that there is a Miguel. That stupid jerk, sarap basagin ng mukha."
"Oh, ba't di mo gawin?"
He arched his brows on me. Nagkakalalaki ang taray ng kilay. Hmp, para siyang japanese doll.
"Ang layo-layo talaga ng ugali mo kay Aria." walang ganang sabi niya. "Pag siya ayaw ng gulo, tapos ikaw parang chinicheer mo pa ako."
I pouted. "Can you please stop comparing me to her? Magkaiba kami ng katauhan, magkaiba kami ng kinalakihan, magkaiba kami ng pamilyang pinanggalingan, magkaiba kami sa lahat. Dahil siya si Aria Hung, at ako lang naman ang pinakamagandang artista here Cessiana Marie Vasquez." I rolled my eyes on him.
Pansin ko ang ngisi na pinipigilan lang niya. Hawak niya parin ang kamay ko nang makapasok kami sa canteen.
"What do you want to eat?" tanong niya.
"Ah, hindi ako magkakanin. Sandwich nalang at softdrinks ang sakin." ngumiti ako sa kaniya. Wag kayo, libre niya 'yon.
"You sure?" tanong niya na tinanguan ko.
Mukhang wala ang magjowa dito sa canteen. Hindi na ako umupo sa may table at hinintay nalang siya na maka-order.
"Hindi ka rin kakain?" dalawang sandwich, cheese crackers at softdrinks lang ang binili niya. Inabot niya ang akin kaya kinuha ko nalang din.
"Hindi ka dito kakain?"
Umiling ako.
Lumabas kami at nagtunggo sa may garden ng school, katabi lang ng gym. May ilang metal bench kaya doon kami naupo.
"Naalala mo kahapon?" basag ko sa katahimikan. Masyado niyang ini-enjoy ang pagkain ng sandwich, parang hindi ako kasama dito ah.
"What about yesterday?" he asked.
"Diba nasa likod natin si Aria? At nakatitig sa atin. Tingin mo effective ang ginagawa mong pagselosin siya?"
Tumigil siya sa pagkain at tumingin lang sa akin.
"At...sigurado ka bang babalik siya sayo kung magselos nga siya?"
He took out a deep breathe. "When she felt jealous, it means she still has a feelings for me."
"Paano mo nasasabi? Matagal tagal na rin kaya ang dalawang 'yon."
"Hindi na naman siguro siya maaapektuhan kung wala na talaga diba? And once she felt jealous, alam kong babalik siya sa akin."
"Umasa ka lang.." bulong ko.
"What?"
"Wala."
May iba't iba talagang paraan ang mga tao sa bagay-bagay 'no? Pwede naman niyang tanungin nalang ang babae, o kaya, magmove on nalang siya at hayaan ang babae sa kung saan niya mas gusto.
BINABASA MO ANG
My Not So Innocent Girl
RomanceDahil sa isang deal, nakaramdam ako ng kakaibang kaba. T'wing nandiyan siya ay parang naglalaho ang lungkot at nabubuo ang saya. Nagiging maliwanag ang maulap kong langit. Nagiging mas maliyab ang nauupos ng apoy. Nagiging maliwanag ang madilim kong...