CHAPTER 16

490 39 3
                                    


Chapter 16

"Cem, masarap?" nakakawalangya talaga ang ngisi nitong si Braille.

"Yung hotdog? Oo masarap." sagot ko bago kumagat sa ihaw na hotdog na binili namin.

He smirked at me. Tignan niyo nga naman oh, kung ano-ano sigurong naiisip nito sa hotdog. Darn, dinadamay niya ang kainosentehan ko. Sabi ko lang naman kanina na mukhang masarap ang hotdog dahil mapula, tapos nagsimula na siya ng kalokohan.

"Kapapanood mo 'yan ng porn, Braille! Damay mo pa si Cemie." ay buti pa itong si Dairo tino ngayon. Oo ngayon lang 'yan. Tandaan, nabalitaan ko sa radyong sira, babaero 'yan, playboy. Hindi dapat tularan.

"Look who's talking. The washroom boy." ngisi nito kay Dairo kaya nabato siya ng bote ng mineral na walang laman.

Ngumiwi nalang ako sa usapan nila bago lumayo muna. Si Ishi at Troy ay bumibili ng softdrinks. Ewan ko sa dalawang 'yon. Sinabi ko lang na gusto ko ng Mountain dew na softdrinks tapos sabay silang nagpresenta na ibibili ako, edi ayon, magkasama ang dalawang tsunggo. Medyo malayo dito ang merong tinda na softdrinks e.

Biglang tumahimik ang asaran ng dalawa sa may likuran ko. May katawagan pala sa phone si Braille.

"Cem...c-can we talk?"lumapit sa akin si Dairo at tumabi. He looked so stress. "That's not true."

"Alin? Na gwapo ka? Ay oo hindi nga true 'yan. Isa 'yang peyknyews!"

Itinuon niya ang siko sa hita at nagmake-face. "Damn, ang saya mo talagang kausap."

Masaya daw pero lalo namang nagmukhang stress. May pagkakapareho talaga ang magkakaibigan na 'to. Pareho silang moody nila Troy at Ishi, si Braille lang ata ang palaging happy.

Sana all, pinaglihi ata sa jollibee, bida ang saya. Hehe. Mahingin din silang apat. Kaya 'wag ng magtataka kapag nasalimpad ang kagandahan ko sa ibang lugar. Lakas hangin kase ng mga kasama ko.

"I'm talking about that fucking issue." he looked serious. Edi okay, seryoso na si me. Nahiya naman ako kay kumpadre.

"So, hindi totoo alin?"

"That I make out with someone. I can't do that." hindi ko alam kung maniniwala ako.

"Bakit hindi mo kausapin ang babae, si Zavi? Magpaliwanag ka sa kanya. If you did nothing, wala kang dapat ikatakot sa pagpapaliwanag sa kanya."

Medyo naawa ako sa itsura niya ngayon. Parang dismayado talaga siya sa sarili niya.

"Galit na galit siya sa akin. Hindi ko na alam kung paano ko pa siya masusuyo."

Tinapik ko ang balikat niya. "Sabi nga, If you really love that person..if she shoved you away, hold her hands and never let her go. Huwag mong hayaang makawala."

"I love her damn much, Cem. But..I-I hurt her.""

"Kung hindi mo talaga siya ginagago, patunayan mo 'yon sa kanya." ngumiti ako ng sobrang ganda. "Eh, ano nga pala ang ginagawa mo sa washroom kung hindi ka nakikipagsayawan?"

"Tinulungan ko lang si Cassy dahil nabasa ang uniform niya sa canteen, natapunan ng juice. Eh pogi ako at mabait, so tinulungan ko."

"Your uniform was ruined that time. Ano 'yon? Pinunasan mo siya ng uniform mo?"

He sighed. "She kissed me. But believe me, Cem. Hindi ko gusto 'yon. I love Zavi more than everything. Hindi ko siya magagawang lokohin. Kahit hindi pa kami, I considered her as my girlfriend already. Tapos ngayon, galit siya sa akin. At sinampal niya pa ang napakakinis kong pisngi." madramang dugtong niya.

My Not So Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon