Chapter 18
Hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon ni Khiel. Hawak-hawak pa rin niya ang palapulsuhan ko at ramdam ko ang galit niya sa paraan ng paghawak niya sa akin.
"H-hey..." I was struggling in keeping up with him. He's too fast!
"Khiel... p-pagod na ako." There, he stopped... finally.
Humihingal pa ako habang nakahawak sa dalawang kong tuhod. Nakita kong humarap siya sa akin. Ang mata ko ay nananatiling nakatitig sa kanyang sapatos kahit na alam kong nakaharap na siya sa akin.
"What was that?" his voice is calm but very cold.
I took a deep sigh first before turning my back on him. Hindi ko kailangan magpaliwanag sa kanya. Nakita naman na niya ang ginawa ko eh bakit pa niya tatanungin?
"H'wag mo akong talikuran, Lianna! Bakit mo ginawa iyon?!" bahagya akong nagulat sa sigaw niya. Humarap ako sa kanya at tama nga ako galit na galit ang mga matang pinupukol niya sa akin.
"You already saw it! Bakit ka pa nagtatanong?!"
Huminga siya ng malalim at pumikit na tila nagpipigil.
"Why did you do that?" tanong niya gamit ang mas mahinahon na boses. I hate this. He is interrogating me. Oo, mali ako. Kasalanan ko pero hindi ko alam kung bakit ako naiirita. Siguro dahil parang pinagduduldulan niya sa akin na... na... ang sama kong tao.
"I don't know..." my voice became soft. I lowered my head and cried. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nagawa. Hindi ko na rin alam ang nangyayari sa akin. Gusto ko lang naman magkaroon ng totoong kaibigan. Nahanap ko iyon kila Janna pero bakit ganito?
"I'm sorry..." my voice cracked.
"Bakit ka sa akin nagso-sorry? Hindi ba dapat kay Andi?"
"Alam ko! H'wag mo na sa akin ipamukha, okay?! Umalis ka na nga kung ipapamukha mo sa akin iyong nagawa ko kasi alam kong mali! Kung aawayin mo ako dahil sa ginawa ko, umalis ka na!"
"Kinakausap kita hindi dahil gusto kong ipamukha na mali ka. Hindi rin ako naririto para awayin ka! Nandito ako para tanungin ko kung bakit mo iyon ginawa?!"
"Hindi ko nga alam!"
His lips parted, "You're telling me kusa mo lang na sinaboy sa kanya—"
"No!"
"Natuto ka na mambully?" tanong niya. Now, my mouth parted too. I quickly shook my head.
"N-no... I... I w-won't do... that..." natigil ako... kasi... nagawa ko na... kay Andi. I closed my eyes fervently. Damn! I bullied a person!
BINABASA MO ANG
The Star's Solace (T)
RomanceA joy & happiness that once disappeared, when will Khiel find his solace again?