Chapter 31

196 4 0
                                    

Chapter 31


KHIEL


"Twinkle, twinkle little star. How I wonder what you are..." nakayakap ako kay Mommy habang kinakantahan niya ako. Kanina pa ako nakayakap sa kanya, ang higpit ng yakap ko sa kanya... na para bang ayaw ko siyang pakawalan. Na kung luluwag ako sa yakap ko ay mawawala siya sa akin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko tuwing naririnig ko ang boses ni Mommy na nahihirapan. Ngayong gabi, habang nakatingin kaming dalawa sa kalangitan, may isa lang akong kahilingan sa mga tala... na siya'y gumaling na.


Basta ang alam ko, may sakit na cancer ang Mommy ko. I was just seven years old that time. I don't understand what that kind of sickness is. Basta ang alam ko masakit siya kasi nakikita ko palaging nahihirapan si Mommy. Kalbo na rin siya. Payat. Palaging binubuhat ni Daddy. Pinapakain ni Daddy. Ngayong gabing ito, nakakamangha lang kasi malakas siya ngayon. Nakakapagkanta pa nga eh.


"Khiel... make a wish to the star," she whispered. I nodded and closed my eyes and prayed.


Sana humaba pa ang buhay ni Mommy. Sana matagal pa namin siya makasama. Sana gumaling na siya.


"Samiel..." tawag ni Daddy. Natigil siya sa pagkanta at paghaplos sa ulo ko. "Time to sleep, honey. Let's take a rest." I don't want yet but Daddy's right, Mommy needs to rest.


"Khienzo, buhatin mo ako kung ganoon..." Mommy joked. Sobrang masiyahin niya na kahit may sakit na nananatili pa rin siyang nakangiti at positibo sa buhay. I don't understand why she's still happy even though she's already suffering.


Simula nang magkasakit si Mommy at lalo noong lumubha palagi na kaming tatlong magkakasamang matulog. Ako sa gitnang bahagi nila. Nakayakap ako kay Mommy habang yakap-yakap naman kaming dalawa ni Daddy. Ganito ang palagi naming gabi... pero lahat nagbago nang mawala siya...


Ang tanging hiling ko lang naman ay ang gumaling siya pero hindi ko maintindihan bakit isang araw isang malakas na pag-iyak at pagsigaw ang nagpagising sa akin. I saw Daddy beside me crying while hugging my Mommy. Niyayakap ni Daddy si Mommy na wala nang buhay. That's the time... I cried so hard. At such a young age, I felt pain. Pain of losing someone you loved.


Is this pain? Ah, maybe... but... I was still young to experience this pain. Isn't unfair? I then realized... maybe... life is unfair.


Hindi ko alam ang magiging buhay ko na nawala si Mommy. Ang bahay hindi na siya ganoon kasaya kagaya ng dati. Palaging may kulang. Kulang na kahit kailanman hindi na yata mapupunan at tanging si Mommy lang makaka-buo noon. Simula nang nawala si Mommy, lahat nagbago na...


My mother is my safe place, my solace, but now that she's gone... I am also lost in the abyss. My heart is now in chaos. When will I find my solace again? I don't know...


Sobrang lungkot. Hindi ko na matingnan ang bituin nang hindi umiiyak at nalulungkot. Hindi na rin ito kumikislap na kagaya ng dati. Para sa akin naglaho na ang ganda nito. Naglaho na ang saya nito sa bawat kislap niya. Tanging naiwan na lang ay iyong pait.

The Star's Solace (T)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon