Chapter 19

187 6 0
                                    

Chapter 19


"P'wede ba tayong mag-usap?"


I admit I was shocked. Bakit pa niya ako kakausapin, hindi ba? Is it very important? Base sa mukha niya parang gustong-gusto niya akong kausapin. Hinayaan ko ang sarili ko na tumango at sundan siya hanggang sa makarating kami sa likod ng Mathematics building, dito kasi ang huli naming subject.


Tutal ito na ang huli, hahayaan ko na mag-usap na lang kami.


May upuan sa tapat naming dalawa pero parang wala ata kaming balak umupo kasi nakatayo lang kaming dalawa. I was looking away while she's doing the same thing too. Ilang minuto na rin ang nakalipas pero wala pa ring nagsasalita.


"What is it?" I asked.


"I just want to say sorry. Sorry, Lianna, I wasn't true to you." My lips parted. Hindi ko aasahan na magso-sorry siya sa akin ngayon. Hindi naman gano'n katagal nang mangyari iyon pero halos hindi ko na naiisip pa iyong pag-aaway namin. Bukod sa ayoko na siya maging kaibigan talagang nanindigan ako sa sarili ko na lalayo na lang ako sa kanila kaya parang halos nakalimutan ko na rin iyon.


"But... I promise... tinuring kitang kaibigan. Totoo iyan." May butil ng luha na pumatak mula sa kanyang mga mata. "Marahil namimiss ko pa rin si Wendy, ang best friend ko, pero totoo na tinuring kitang kaibigan at gustong-gusto kong maging kaibigan ka..."


Hindi ko alam... parang nagbabara ang lalamunan ko. Ang bigat sa puso kasi halos ilang buwan ko itong kinimkim. Maraming katanungan sa isipan ko pero nanatili na lang akong tahimik kasi ayoko na lang magsalita. Nakakapagod kasi maghanap ng kasagutan sa iba. Nakakapagod maghintay ng eksplanasyon sa iba. Mas magandang wala ka na lang pakialam sa lahat.


"Wendy is my bestfriend, alam mo na iyan. I really love her, and I lost her. Siya lang ang nakakaintindi sa akin. Hindi ako mayaman pero kinaibigan niya ako hanggang sa naging best friend kami. She's so... kind and approachable, just like you." Muling nag-init ang ulo ko. Dahil sa paulit-ulit na pagkokompara ng mga tao sa akin sa kanya, naiirita na ako tuwing nababanggit iyan.


"At kagaya niya... naging kaibigan kita. Ikaw ang unang naging kaibigan ko simula nang mawala siya. Now, I lost you too." She lowered her head. "Noong una ayos lang sa akin na hindi mo ako pansinin kasi hindi pa naman gano'n katagal tayong magkaibigan. Pero habang tumatagal... nami-miss na kita. Doon ko napagtanto na... iba na rin pala ang tuwing ko sa iyo. Parang kapatid na rin. Kaya... hindi ko matanggap malaman na kaya mong tiisin na hindi ako pansinin."


"It's all your fault! Nasaktan din naman ako. Nilayo ko lang ang sarili ko at naghanap ng mga totoong kaibigan pero..." I bit my lower lip. "I was wrong. Akala ko magkakaroon na ako ng totoong kaibigan pero..." I shook my head again.


"I then realized mas maganda na lang na ilayo ko ang sarili sa iba at tinanggap ang katotohanan na baka wala akong magiging kaibigan dito. Ayoko na rito."


"Ako... kaibigan mo ako," mahina niyang sabi. "Kaibigan mo pa rin ako. Kaibigan pa rin ang turing ko sa iyo, Lianna."


"Patawarin mo ako kasi hindi ko nasabi ang totoo sa iyo. Pasensiya na rin kung feeling mo kinokompara kita kay Wendy pero hindi iyon gano'n. Pasensiya na rin kung nasaktan kita. Pasensiya na... pero... sana, sana kaibigan mo pa rin ako."

The Star's Solace (T)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon