Chapter 33

252 5 0
                                        

Chapter 33


Na-late ako kinabukasan at wala na sana akong balak pumasok pa. Wendy's letter kept on playing on my mind. Nabibiyak ang puso ko tuwing inaalala siya at ang mga bagay na sana nae-enjoy namin ngayon. Most of all, I missed her so much.


The door opened automatically when I was about to enter our room. Para akong natakasan ng dugo nang makita ang pamilyar na babae sa akin. Wait... pamilyar nga ba?


Nakatayo ang babae at nakatitig sa akin. Hindi ko mawari kung natatakot siya o nahihiya. Umawang ang labi at parang hindi makapaniwala sa nakikita.


She looks so much like Wendy. Mas matangkad ng konti si Wendy kumpara sa kanya. Mas maputi rin itong babaeng ito at mas mahaba ang buhok at straight na straight. Other than that... wala nang pagkakaiba.


Ang dami-daming tumatakbo sa isipan ko nang mga panahong iyon. Kakambal ba? Hindi. Walang kapatid si Wendy. Sino siya?


She's Lianna Sy—a transferee. She came from US and now migrated here in Philippines.


Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng mga panahong iyon. Lungkot? Disappointed? Kung disappointed, bakit? Kasi hindi siya si Wendy? Oh, come on, man. This is bad.


"Hindi ikaw si Wendy..." bulong ko sa sarili ko, walang nakakarinig kung hindi ako lang.


Sa araw-araw na dumadaan, palagi ko siyang napapansin. Araw-araw din akong nangungulila kay Wendy. Sa tuwing nakikita ko si Lianna, nalulungkot ako. May kung anong kirot sa puso ko sa tuwing nagagawi ang tingin ko sa kanya. Araw-araw ding sinasampal ako sa katotohanan na... iba siya. Hindi siya si Wendy at hindi na babalik si Wendy.


Lianna is sick as well. She has an asthma. Isang araw bigla na lang siyang nahimatay. Hindi ko alam kng bakit. Dahil sa pagod? Init?


I also realized she's too fragile... like her. Ang kaibahan nga lang si Wendy tinago niya o late na nalaman.


Wait... why am I comparing her to Wendy? Damn.


I don't want her to call me Gabe. No... I don't want everyone to call me with that name. Si Wendy lang makakatawag sa akin niyan kaya bigla akong nainis sa kanya nang tawagin niya ako sa ganoong pangalan... pero nang kalaunan, parang... musika na pandinig ko. Iyon nga lang, natakot na siyang tawagin ako sa pangalan kong iyon at Khiel na lang palagi.


One day, I saw her with Kate eating their lunch at canteen. Kumunot ang noo ko. Si Kate iyong isa sa mga matatalik na kaibigan ni Wendy. Kagaya ko, isa siya sa pinaka-nalungkot nang mawala siya. Kate is bullied but because of Wendy she is now free.


"She is not her, Khiel," lumingon ako kay Kate, hindi ko alam na nakasunod pala siya sa amin. Hinintay kong makauwi si Lianna kasama ang driver niya.


"I know." I started to walk away. Hindi ko alam kung bakit niya ako kinakausap ngayon.


The Star's Solace (T)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon