Chapter 28
Months already passed since he's courting me. He's very persistent and I really appreciate it. He's sweet and caring. I never knew that he has this soft side. Oo noon pa man ramdam ko na maalaga na siya, pero mas pa ngayon. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nanliligaw siya sa akin pero mas lalong hindi ako makapaniwala na tinanggap ko pa rin ito.
All throughout my life, I thought we are already over. I mean, yes, hindi naman naging kami before. My heart was very young, very fragile, and easily broken. At dahil sa nangyari my young heart was broken into pieces. We were too young back then too to know if that was really love.
But right now, as I am contemplating things between us... the feeling what I've felt before kept on coming back. I then realized my feelings for him aren't over yet.
Siguro dahil sa tagal na hindi ko siya nakita o naisip, feeling ko wala na. Pero nang makasama ko ulit siya... muling bumalik. At noong nag-confess siya sa akin, at ngayon na nililigawan na ako, mas lalo lang lumalim.
May ilalalim pa ba ito?
Oo naman...
Nang magkaroon kami ng Christmas break ay umuwi ako kila Mommy at Daddy. Ganoon din si Kate sa pamilya niya. Noong nasa Canada kami kaming dalawa lang ang nagce-celebrate ng Christmas at New Year. Masaya si Kate dahil nakasama na niya muli ang kanyang pamilya sa Christmas.
"Merry Christmas, anak. I am so happy that you're here celebrating with us." Mommy hugged me dearly. Pinagmamasdan lang kaming dalawa ni Daddy na nakangiti.
"Merry Christmas, Lianna..." on the phone, Khiel called me. I looked at my table clock and it's already 1 am.
I chuckled and pursed my lips, "Merry Christmas too."
"Why are you laughing?"
"Huh?"
"You were laughing. May nasabi ba akong mali?"
Muli akong tumawa at umiling na parang nakikita naman niya, "Napaka-formal mo kasi eh. Merry Christmas, Lianna." I mimicked him. Simula nang maging komportable ulit ako sa kanya, naipapakita ko na ulit ang jolly side ko. Kagaya ngayon, naaasar ko na siya ng ganito.
"What should I call you, then?"
"Hmmm..." kunsabagay, wala naman na akong ibang pangalan bukod sa Lianna. Siguro dapat maging lighter na lang 'yong boses o 'yong approach niya sa akin, napakaseryoso kasi eh. I was about to say it when he already spoke first.
"Hindi pa naman p'wedeng babe kasi hindi mo pa ako sinasagot," aniya na parang wala lang, pero sobra-sobra ang impact sa akin. My eyes widened. Agad akong naupo at natulala ng ilang segundo.
"Huh?!!!!" I shouted. Parang tanga.
BINABASA MO ANG
The Star's Solace (T)
RomanceA joy & happiness that once disappeared, when will Khiel find his solace again?