Chapter 29
Khiel and I became official in relationship. He's my boyfriend and I am his girlfriend. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam na darating kami sa puntong ganito. Akala ko hanggang doon na lang kami noon but look at us now.
Mas lalo akong kinabahan nang ipakilala niya ako sa kanyang Daddy. Hindi ko akalain na ipapakilala na niya ako agad! Like he is so daman sure with me na! I mean, I love him, but damn I don't know that he is more adanced than me. Ni hindi ko pa nga nasasabi kila Mommy na may boyfriend na ako. Ayos lang naman sa kanya iyon. Sabi niya kung kailan na ako handa, doon ko lang siya ipapakilala sa magulang ko. Hindi naman siya nagmamadali. Pinakilala niya lang ako sa kanyang Daddy dahil gusto niyang patunayan na... seryoso siya sa akin.
Ngayon pinaghahandaan ko na rin iyong pagpapakilala ko sa kanya. Hindi ko nga lang sure kung kailan. But whatever, I am so excited to see him again. Pabalik na ako ng Manila. Ang sabi niya kikitain niya ako doon sa condo ko pagkauwi ko.
Nasabi ko na rin kay Kate na sinagot ko na si Khiel. Of course, she's happy and she is supporting us. She's a very supportive friend after all.
"Hi," I smiled widely but shyly the moment I saw Khiel leaning on my unit's door, waiting for him. Umayos siya ng tao at kinuha ang mga dala kong bag.
He leaned forward to give me a small kiss on my forehead.
We went inside immediately. Hindi ko napansin na may dala pala siyang pagkain.
"Sakto! Gutom na ako!"
He became more extra caring and loving... and I am really falling deeper. Hindi ko alam na may mas isasaya pa pala. Akala ko madali lang maumay lalo na at paulit-ulit at palagi ko siyang nakikita pero hindi eh. Mas lumalalim pa nga ang nararamdaman ko sa kanya. Ganoon din kaya siya sa akin? Ah... eto na naman ako...
Magkasama kami ni Evie na umalis sa hall kung saan dinadaos ang mass. January ang anniversary ng school dito kaya January rin daw ang pinaka-busy na month dito. Sa mga teachers, oo, kasi sila ang nagpi-prepare eh. Ewan ko ba rito kay Evie at panay ang alis niya.
Pumunta kaming dalawa sa clinic. Nagpahinga siya roon habang ako ay nakaupo sa aking swivel chair at naghihintay lang. Umaalis minsan si Evie dahil kinakailangan siya sa papi-prepare ng ibang bagay.
Dinalhan ako ni Evie ng lunch ko. Kumakain na kaming dalawa nang pumasok si Khiel. Muntik na ako mabulunan nang makita siya, ganoon din si Evie.
"Good noon, Engineer. Kain," alok ni Evie. Tumango lang siya pero nakita ko ang pagkunot ng noo niya at pagsimangot. I bit my lower lip and attended him.
"Hmm. Tara, join us. H-hindi ko alam na pupunta ka. I mean, late na kasi."
"Yeah. Nagkaproblema lang, but I texted you." Hindi siya sumulyap.
"Oh my, I forgot my phone. I'm sorry... you can join us naman." Wala siyang choice. Alam kong labag sa loob niya na kasama si Evie. Hindi ko maintindihan bakit siya tahimik at tila naiinis eh kaibigan ko lang naman si Evie.
BINABASA MO ANG
The Star's Solace (T)
RomanceA joy & happiness that once disappeared, when will Khiel find his solace again?