Chapter 23

277 5 0
                                        


Chapter 23


Nasabi ko kay Kate na nakita ko si Khiel at magkalapit lang pala kami ng pinagta-trabahuhan. Pero si Kate tinawanan lang ako.


"That's called destiny," she said. My eyebrows raised like what she said was a big joke. "Imagine, nagkita kayo sa pinagtatrabahuhan mo pa at ang nakakaloka nasa iisang school lang—"


"That's called coincidence, Kate," pagtatama ko. Totoo naman eh. Oo, malaki ang mundo pero may mga chance din na makikita o makakasalamuha pa rin natin ang ibang mga tao na akala natin ay hindi na natin makikita pa... unless patay na sila.


"Paano ba 'yan, palagi mo siya makikita," she teased and for the nth time I sigh loudly.


"Eh, ano naman ngayon?"


"Ah... so, nakamove on ka na?"


"What?" I hissed. "Meron ba akong dapat ika-move on?" sarkastiko kong sabi. Naninindig na lang talaga ang balahibo ko tuwing naaalala ko ang karupokan at katangahan ko noon. May paiyak-iyak pa ako. Parang tanga! Ayoko na alalahanin pa!


Tama nga ang sabi nila na darating tayo sa punto na tatawanan o mahihiya ka na lang sa mismong sarili mo sa mga pinaggagawa mo noon.


"At kung meron man, malamang oo. Ilang taon na ang nakalipas, Kate. Oh, my god." I face palm.


"Hmm. Sabagay. Pero malay mo lang naman... na... you know... muling ibalik?" she laughed and started singing... "Muling ibalik~ ang tamis ng—" hindi ko na siya pinatapos at tinapunan ko siya ng malinis na tissue. Kung wala lang kami ngayon sa café sinabunutan ko na ang isang ito.


"Wala nang gano'n. Baka nga... may asawa na siya." Mabilis kong sabi.


"Asawa? Agad-agad?"


"Edi girlfriend! Aba malay ko. Wala naman na akong balita sa kanila."


"Hmm. Tingin ko naman wala pa. Friend ko siya sa facebook pero wala akong nakikitang post niya na nagpapahiwatig na kasal na siya or whatsoever."


"He's a very private person, Kate, you know that."



Maaga akong pumasok kinabukasan. Ayoko ng nali-late. Iyon nga lang, kumpara noong nasa hospital ako na maraming ginagawa at pasyente, ngayon naman bored na bored na ako dahil wala man lang akong makausap. Sa lunch sinadya kong hindi magbaon para makapunta ako sa canteen at doon kumain. As much as possible I want to make friends here. Sa mga teachers, sa janitor, sa mga nagtitinda, at sige kahit sa mga magulang na rin ng mga bata.


"Ate, isang adobo po. Dine in," binigay ko ang eksaktong bayad ko saka sinuyod ng tingin ang buong canteen pero halos lahat ng upuan ay okupado na. May isang table na nahagip ng mata ko. Pandalawahang tao iyon pero isang lalaki lang ang kumakain at tingin ko wala siyang kasama. Marunong naman na ako makisalamuha kaya sige tatanungin ko siya.

The Star's Solace (T)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon