Chapter 24

195 8 0
                                    

Chapter 24


Agad kong pinagsisihan pagkauwi ko ng condo iyong pagtanggap ko sa alok ni Khiel na dinner. I want to curse myself. Bakit ako pumayag?! Sometimes, I hate my impulsive decisions. Hindi ko alam kung masyado lang akong mabait at ayaw kong iturn down ang alok niya o sadyang... tanga lang ako? Baka tanga lang talaga ako?


Gusto ko na rin siya tuloy i-text at i-cancel iyong dinner. Oo nga pala at kinuha niya iyong number ko kanina bago ako umuwi. I was staring at my phone, specifically to his message he sent earlier.


Khiel:

Khiel.


Khiel:

7 pm at Aristocrat


Bumuntonghininga ako at hindi makapaniwalang umiling. Bahala na nga. This will be the last, okay? At saka isa pa, eh, ano naman ngayon, hindi ba? It's just a dinner. Yeah, a friendly dinner.


Halos 30 minutes lang akong nagpahinga at agad na akong naligo at nag-ayos. Uh, this is really making me crazy! Natagalan pa ako sa pagpili ng damit ko. In the end, I chose a simple pink maxi dress. 6:30 nang umalis ako ng condo.


Saktong pagkarating ko ng Aristocrat, nabasa ko anng mensahe ni Khiel.


Khiel:

Nandito na ako. Text me if you're already here.


Huminga ako ng malalim. Tinungo ko ang ulo ko sa manibela at pilit na kinakalma ang sarili. Okay. Just for tonight, Lianna, okay? Relax.

15 minutes akong nagmuni-muni bago lumabas sa sasakyan at binigyan siya ng mensahe.


Me:

Papunta na sa loob.


Sabi niya nakapagreserved na siya ng table naming dalawa and I was right. He was already there. He is wearing a white button-down polo shirt. Para na naman akong lumulutang sa ere habang papalapit sa kanya. Tumayo rin siya at inalukan ng upuan.


"Thank you..." I gently muttered. Iginala ko muna ang tingin ko sa loob. Walang masaydong tao, parang kami lang ata?


Nag-order muna kaming dalawa at pagkatapos... ano na? Wala na naman nagsasalita sa amin. Grabe, nakakasulasok ang katahimikan. Ang awkward. I cleared my throat after I sipped on my water.


"So..." panimula niya. "How are you?" tanong niya. Finally, may nagsalita na.


"Uhm, good?"


"Naka-adjust ka naman na sa bago mong trabaho?"


I chuckled first, "Oo naman. Mababait naman ang mga teachers doon at may mga bago naman na akong kaibigan."


"Si Evie..." dagdag ko. I stopped for a moment when I saw him raised his brows.


The Star's Solace (T)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon