Chapter 27

181 5 0
                                    

Chapter 27


"H-hey..." tawag ko kay Khiel bago siya pumasok sa kanyang sasakyan. Pauwi na kami at pasado alas singko na.


"Can I ask a favor?" ang buong atensiyon niya ngayon ay nasa akin na.


"Of course, what is it?" alerto niyang sabi.


"Saan tayo kakain mamaya?"


"I was thinking of a restaurant, but you can choose where. Saan ba ang gusto mo?"


"Ayoko sa... restaurant."


"Uh-huh, okay. Saan mo gusto?"


"Plaza?" kumunot ang noo niya. "Street foods?" alanganin kong ngiti. Naalala ko dati hindi kumakain si Khiel ng street foods eh. Arte rin ng isang 'to, eh.


"Are you sure? Hindi naman ata iyon healthy."


Ngumuso ako. Sabi na eh maarte ang isang 'to. "May mga healthy foods naman doon. May mga karenderya rin. P'wede rin namang... uhh... J-Jollibee kung ayaw mo."


Matagal muna siyang nag-isip bago tumango at sinang-ayunan ako. "Kung saan mo gusto, doon ako."


"Alright, then." I smiled and nodded. "Uhmm... see you... later?" I awkwardly said. Akala ko magpapaalam na rin siya pero nagulat ako nang lumapit siya sa akin muli.


"Can I ask another favor?" naningkit ang mga mata ko.


"Namimihasa ka na ha..." nguso ko ulit. Nakita ko ang pagnguso niya pero isinawalang-bahala niya iyon.


"P'wede bang... sunduin kita mamaya sa condo mo?" his face blushed. "Sabay tayong pupunta doon at... ako na rin ang maghahatid sa iyo... pauwi." Mahinahon niyang dagdag.


"Kung ayos lang sa'yo." mabilis niyang dagdag. Huminga ako nang malalim at pilit na kinakalma ang sarili.


"Sige," sabay iwas ko ng tingin. There, he became contented after that...


"Thank you, Lianna."



What should I wear? Sa plaza lang naman kami ah? Hindi naman kami pupunta sa mamahaling restaurant. P'wede na siguro ang pambahay lang? My face heated. Nakakainsulto naman ata? Baka isipin niya na napipilitan lang ako at hindi ko pinaghahandaan. Wait... what? Eh, ano naman ngayon?


Argh, Lianna! Get up yourself! Para kang bata! In the end, I wore a simple knee-length floral dress. See? Nagdress ka pa! Eh, simple lang naman eh. Basta, ayos na ito.


Khiel:

Are you really sure sa plaza lang?

The Star's Solace (T)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon