Chapter 21

268 6 0
                                        

Chapter 21


My experiences in UST and living in the city taught me to be more independent. I got the chance to socialize. I learned how to communicate without getting any attachments and I accepted it that it's already part of life. Not all people we met will stay and that's okay. I fee like... finally... I've already out of my box.


I have lots of realizations in Manila and I must say... I changed... but in a good way. This is for me—to be more independent, happy, and to grow.


I'm not even a crybaby anymore. Hindi na rin ako na-a-anxious kapag nakikipag-usap ako sa ibang tao. Hindi na ako takot makisalamuha. At... nagkaroon din ako ng boyfriend... kaso hindi kami nagtagal. Nagtry lang naman ako eh. Nasaktan ako? Oo naman, pero hindi naman to the point na in-isolate ko ang sarili ko. Kagaya nga ng sabi ko, nag-try lang naman ako. And I got to know that experience. At least, I know now. At least, I've already experienced it. Natuto na rin akong magbasa ng mata at aksiyon ng mga tao, lalo na sa mga lalaki. I must say, I'm not that naïve girl anymore.


I became open-minded too for all the things which are very foreign to me. Yes, foreign for me in a way na hindi ko maintindihan bakit nila ginagawa iyon. Nasaksihan ko na ang mga iyon noong na US pa ako pero hindi ko pa rin talaga maintindihan. Siguro, dahil bata pa ako noon. Pero nang mag-Manila ako, naintitindihan ko na ang lahat. Marunong na akong umintindi. I must say, I am thankful with that.


Alam ni Kate ang lahat ng ito. Palagi ko naman sinasabi sa kanya ang mga ganap ko sa buhay. Palagi rin kaming nagco-communicate, and we communicate through messenger or video call. Nagtutulungan din kami lalo na at kung may hindi maintindihan sa subjects. After all, Nursing ang pareho namin kinuhang kurso.


Kapag uuwi ako ng probinsiya, binibisita ko siya palagi at may dalang pasalubong sa kanya at sa kanyang pamilya. I am always welcome at their humble home. Ganoon din si Kate sa bahay namin.


After 4 years of staying college... finally... I am already a graduate. I am never this so proud of myself. I survived college. I survive the city. I survived living alone, being independent.


Naunang grumaduate si Kate last month... sumunod ako. S'yempre, nagcelebrate kami. Kasama namin ang pamilya ni Kate na nagcelebrate.


"Ang saya ko, Lianna! Sa wakas! Board exam na lang registered nurse na tayo!" yakap niya sa akin. She is in her usual t-shirt and fitted jeans. While me, I learned to dress myself more confidently. Marunong na ako magsuot ng shorts at crop top. I leaned how to put make up on my face as well. I learned how to curl my hair.


"Pero sabi mo may trabaho ka na?"


"Uhm, part time job lang naman. Hindi naman ako permanent doon. Doon kasi ako nag-OJT nung college tapos ayun nagtuloy-tuloy na hanggang apprentice."


"Hmm... I see."


"Pero nasabi ko na sa kanila na gusto kong mag-abroad kapag nakapasa ako sa board exam," ani Kate. Iyan ang napag-usapan namin. Sabay kaming magta-trabaho sa ibang bansa. Siguro sa Canada? Hindi pa namin sure basta sa ibang bansa kami. Alam na rin nila Mommy ang desisyon naming iyon, masaya sila kasi may plano na kami.

The Star's Solace (T)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon