last chapter for Liannas POV :< aww, i still can't believe it malapit na matapos ang star series #2. ahh, my first loved series haha #jhsdays lul.
________________________________________________________________________________
Chapter 30
"Are you ready?" I whispered to Khiel while holding his hands. Walang bahid ng kakaba-kaba ang isang ito ah? O sadyang magaling lang ito magtago ng emosyon?
Papasok na kami ngayon ng bahay. Kararating niya lang dito. Inimbitahan siya ni Mommy sa kanyang birthday kaya naririto si Khiel. May simpleng handaan na magaganap. Actually, nasabi ko na kila Mommy na may boyfriend na ako at si Khiel nga iyon, at gusto nilang makita at ma-meet. Nakita na nila si Khiel noon pang high school kami pero matagal na panahon na iyon.
"Yup," he smiled. I rolled my eyes and I heard him chuckled.
"Why?"
"Hindi ka ba kinakabahan..."
"Kinakabahan."
"Weh?! Parang hindi naman eh," nguso ko pero nandoon pa rin iyong ngiti.
"Hindi lang halata pero just comfort me that they will like me for you."
"Huh? Of course, they will like you!"
"Hmmm. Let's see."
Sa pagkakakilala ko naman sa magulang ko ay hindi sila ganoon ka-strikto. Sigurado akong magugustuhan nila si Khiel para sa akin. My face heated with my comment. Damn... baka ikaw lang nagsasabi Lianna kasi patay na patay ka sa kanya?!
Pero hindi nga ako nagkamali. Madaling nahuli ni Khiel ang loob ng magulang at ibang relatives ko. Hanga nga ako eh kasi si Khiel ay hindi siya masyadong palasalita. Hindi siya ganoon nakikipag-socialize, pero ngayon, sa nakikita ko, masaya niyang kinakausap ang mga pinsang kong lalaki. Kanina ay nagtatawanan sila nila Lolo at Daddy.
My heart is warm. My heart is happy. My heart is contented. Ang saya-saya niyang panoorin na komportableng-komportable siya sa pamilya ko ganoon din ang pamilya ko sa kanya.
"Next time, may pupuntuhan ulit tayo..." bulong niya sa akin bago ako hinalikan sa ulo.
Natapos na rin sa wakas ang building na pinapatayo nila. Sa ngayon marami siyang offer at nagagalak siya dahil sa Manila rin lang ang destinasyon ng mga ito. After a month, finally, summer vacation again.
Sabay kaming umuwi ng probinsiya. Akala ko dederetso kami sa bahay o sa bahay nila pero nagtataka ako nang makitang sementeryo ulit. Bibisitahin ba ulit namin si Wendy? Nang papalapit kami sa lugar na iyon ay doon ko napagtanto na... ang Mommy niya pala ang bibisitahin namin.
May dala siyang bulaklak. Agad niya iyong nilapag.
BINABASA MO ANG
The Star's Solace (T)
RomanceA joy & happiness that once disappeared, when will Khiel find his solace again?
