Chapter 25

283 6 0
                                        

Chapter 25


Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko iyong sinabi niya...


Can we start over again?

Lianna, please give me one more chance. This time, I will do it better. I promise.


Hell! What does he mean by that? Hindi malinaw sa akin kasi after niyang sabihin ang mga ito naging tahimik na siya at hindi na nagsalita pa. Gusto ko siya tanungin pero masyado akong nalulula at kinakabahan kaya sa huli nanatili na lang din akong tahimik at hinayaan ang sarili na mas malito pa.


Anong ibig niyang sabihin? What does he mean by second chance? Second chance as a friend? As a companion? Or ano? Argh! I am overthinking too much!


Hindi talaga ako mapakali na kahit magwe-weekend na ay binabagabag pa rin ako ng mga salita niya. Lutang na lutang na ako.


I sighed even more while reading his message to me.


Khiel:

Are you busy as of the moment?


Kinakabahan akong nagtipa ng ire-reply.


Me:

Oo.


Damn, Lianna! Ang sabi mo lang noong gabing nagkausap kayo na hindi ka busy palagi eh. Na bored ka at wala kang makausap, tapos ngayon, busy ka na?


Khiel:

Alright. Pupunta ako mamayang uwian diyan sa clinic.


"What the hell..." I muttered. Hindi na talaga ako mapakali!


Khiel:

Okay lang ba?


Nagpakawala muli ako ng hangin mula sa bunganga ko. Okay, don't be too OA, Lianna. Relax. Hindi ka mamamatay. Baka mamaya hindi na naman ako makahinga dahil sa kanya huh? Magaling na ako at tingin ko babalik ang sakit ko dahil kay Khiel! Damn it. Relax!


Me:

Ikaw bahala.


Khiel:

Alright. I'll go. See you later.


Seeing him later makes me wonder and anticipate what will happen. Should I ask him about us? Us? Damn, Lianna. Ito ka na naman, umaasa ka na naman. Nagpapakatanga ka na naman.


Pansamantalang nawala ang iniisip ko nang may pumasok na teacher kasama ang bata. Masakit daw ang tiyan ng bata kaya dinala sa clinic.



"Ang tahimik mo, ah?" untag ni Evie sa akin. Sumulyap ako sa kanya bago bumuntonghininga.

The Star's Solace (T)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon