Chapter 34
They say regrets reside at the end, and that is true.
I know I was young, and my decisions aren't always right. Bata pa ako at hindi pa matured, pero alam ko at naiintindihan ko ang nararamdaman ko ngayon. Lahat-lahat pati mga kamalian na nagawa ko at nagsisisi ako.
Now that she left, I just realized how my feelings for her were really true. I'm just stupid to just let her go. I hurt her.
"Magka-klase ata sila ni Kate. Kaya kung gusto mo siyang makita o makausap, kausapin mo si Kate," sabi ni Alex. Parang gusto ko. Nangangati akong makita siya at makausap. Pumunta nga ako doon sa university na pinag-aaralan nila ng senior high at nakita siya, pero hindi ako nagpakita.
She was happy. I saw her smiling and enjoying her life. I don't want to ruin that. Magtitiis na lang ako na titigan siya sa malayo. Alam kong magagalit siya kapag lalapitan ko ito at ayaw ko iyong mangyari. Siguro hahayaan ko na lang muna ang panahon na lumipas para muli siyang makausap. Hahayaan ko muna ang panahon para makapaghilom pa ako nang tuluyan. Oo, gusto ko siya at tingin ko mahal ko na rin siya, pero kailangan ko muna maghilom sa trauma ko sa nakaraan. Hangga't may hinanakit at takot pa rin ako, masasaktan at masasaktan ko lang siya. Hangga't hindi ko pinapalaya ang nakaraan, masisira at masisisira ko siya.
Ako ang problema kaya kami nagkasiraan. Aayusin ko muna ang sarili ko.
But believe me, simula nang araw na iyon, siya na ang laman ng isipan ko.
Whenever I see her face in my imagination, I am comforted, I am solaced. Sa ngayon, ganito muna, Lianna. Pasensiya na at nagkaganito tayong dalawa. Kasalanan ko.
Pero paano na kung huli ang lahat? Paano kung sa araw na ayos na ako at nakalaya na ako sa nakaraan ay hindi na siya p'wede? Hindi na kami p'wede?
Hindi ko alam.
Sumugal pa rin ako kahit na walang kasiguraduhan. Naghintay pa rin ako kahit na sobrang tagal na.
Nag-aral siya sa Manila ng college. After she graduated, I never got the chance to see her because I was busy with my boards as well. I took Civil Engineering course, same with my father. In everything I did, I remember her.
I passed the boards and became an Engineer but still I am not complete yet. I am not comforted yet.
Nalaman ko lang din na nag-abroad pala siya. Then I waited for how many years again.
I think it's already more than decade when I last saw her.
Napatanong ako sa sarili ko. Ang tagal na ng panahon na lumipas, p'wede pa kaya kami? Kung makikita niya ako at liligawan ko siya, papayag kaya siya? Huli na kaya ako? May boyfriend na ba siya? O baka... may... asawa na siya?
Paano 'pag ganon ang nangyari? I don't know. Maybe for now, I will keep on waiting for her. I will not get tired waiting for that day to come to see her again pero kung may nanalo na at masaya na siya sa iba... edi... s'yempre, talo na. Lalayo nan ang tuluyan. Hindi na aasa.
BINABASA MO ANG
The Star's Solace (T)
RomansaA joy & happiness that once disappeared, when will Khiel find his solace again?