Chapter 26
Manliligaw? Sinubunutan ko ang sarili ko at binaon ang mukha unan. Lianna, hindi ka na teenager para gawin mo iyan! Nakakainis kasi na nakakabaliw! At nakakatawa rin. Nakakatawa lang kasi parang noong isang gabi lang ay binabagabag ako sa kung ano ang ibig sabihin sa chance at start over again na sinasabi niya, pero ngayong nilinaw na niya, na manliligaw siya, nababagabag na naman ako. Mas lalo pa ata akong nabagabag eh!
Should I give him a chance? Kung hindi na, bakit naman? At kung oo, edi ibig sabihin... I am giving him access to be part of my life again? I am giving him chance to hurt me again. I am risking my heart again. Damn...
I remember back when we were in high school. I let him be part of my life even though I wasn't sure what we are. I mean, oo, siguro at may kokonting nararamdaman naman siya sa akin pero hanggang kausap at kasama lang kami. Hanggang sabay na maglunch. Hanggang doon lang. Walang confession na nangyari. Pero hinayaan ko pa rin na mas mapalapit sa kanya, na umasa. Na umasang baka... baka magustuhan niya rin ako kagaya ng pagkagusto ko sa kanya. I let my young heart fell for him, but he didn't catch me. He let me... hurt.
Now, here he is... telling me he wants to court me. Paano kung... bastedin ko siya? Pero bakit? Ayaw ko na ba sa kanya? Kung ayaw ko na sa kanya at ayaw ko na magpaligaw... bakit parang nahihirapan akong magdesisyon ngayon? Bakit parang... ayaw kong... tanggihan siya?
Isa lang ang ibig sabihin niyan. Hindi naman na ako tanga para i-deny ko pa. Baka marahil... may gusto pa rin ako sa kanya? Baka... parte ng puso ko ay gusto kong makasama rin siya. Parte ng isipan ko ang nagsasabi na pagbigyan ko siya.
Ibig sabihin... gusto ko pa rin siya?
Pero dapat hindi na, hindi ba? Matagal na nangyari iyon pero bakit... bakit ganito pa rin ang epekto sa akin? Ilang taon na ang lumipas pero ang tibok ng puso ko iba pa rin pagdating sa kanya.
Damn... is he that really special to me to the point I still like him even though years have already passed? Parang kinakain ko rin lang iyong sinabi ko dati na 'past is past'. Na hindi na dapat pang balikan.
Me:
Paano kung ayaw kong magpaligaw?
Ugh!
I quickly delete my supposedly message to him. In the end, I chose to call him. Mas gusto ko iyong nagkakaliwanagan kami. Hindi iyong text text lang.
"Hello?" halata sa boses niya na hindi niya inaasahang tatawag ako. Wow, Lianna, ikaw pa talaga ang unang tumawag. Nakakainis ka.
"Lianna?" he called again, hindi kasi ako nagsasalita.
"Uhm..." I bit my lower lip. "What if... what if... ayaw kong magpaligaw?" damn, ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.
"Bakit?"
"Kasi... ayaw ko pa?" alanganin kong sagot.
BINABASA MO ANG
The Star's Solace (T)
RomanceA joy & happiness that once disappeared, when will Khiel find his solace again?