03

450 19 12
                                    

"Lumayas ka dito! labas!"

"Ate, sige na! sasamahan naman kita e. para makasigurado lang tayo na hindi ka bao-" Sinara ko na 'yung pinto at nilock 'yun. Sumasakit lang ulo ko sa kanya. Sumisigaw pa sya sa labas pero humiga na 'ko sa kama ko at nagtakip ng unan sa magkabilang tainga para hindi ko sya marinig.

Nakatulog ako ng dalawang oras. Pagkagising ko naligo na agad ako para makapaghanda na sa pagpasok sa school. Pinatuyo ko muna ang buhok at sinuot na ang hanggang hita kong uniform. Kulay red sya na may white necktie, naka stocking din ako. after nun nag-apply ako ng light make up, hindi masyadong kinapalan 'yung lipstick ko dahil monday ngayon at makikita ko ang professor naming napaka istrikto pagdating sa mukha namin. Hindi ko alam kung inggit sya sa lipstick ko or what. Trip nya 'ko laging pagalitan.

Tinignan ko ang itsura ko sa whole body mirror ko, tumangkad ako ng unti pero mas tumangkad si austin. Ang unfair! bakit yung mga boys sobra yung mga tinangkad nila? si luhan mag kasing tangkad lang kami dati tapos ngayon hanggang balikat nya nalang ako.

Napanguso nalang ako sa kawalan at nag-spray ng perfume ko bago kunin yung mga pasalubong ko sa table, hindi ko pa nabibigay kay yess yung sa kanya kase pinalayas ko agad sya. Sinuot ko na din yung bag ko.

Paglabas ko ng room, dumiretso ako sa kwarto ni yess pero wala na sya. Siguro pumasok na. Nilagay ko nalang sa table na katabi ng kama nya yung pasalubong ko at lumabas na. ganon din ang ginawa ko sa mga pasalubong ko kala mama, iniwan ko sa kwarto nila. Ganon din kala kuya.

Pagkababa ko sa sala hindi ko inaasahan ang bubungad sakin. "Ano 'yan kiss?" Napangisi ako at sabay silang napalayo sa isa't-isa nang marinig ako. Muntik na ngang mahulog si kuya yohan sa sofa sa sobrang gulat, sayang. Si paisley naman hindi alam kung saan titingin. Nasa ibabaw kase ni paisley si kuya kanina, nakatitig sa isat-isa. Kung hindi sana ako dumating nagkiss na sana sila, ang tanga ko dapat vinideo ko pala.

"Kanina kapa ba nandyan?" Hindi makatingin si kuya sakin. Umupo ako sa harapan nila.

Hindi ko sya sinagot, nakangisi sa kanilang dalawa. "Bakit hindi nyo tinuloy? Omg," Napatakip ako sa bibig ko. "Kayo na?!"

Sabay pa silang napatingin sakin at napaiwas din ng tingin. "Hindi pa, tara na." Sagot ni paisley at tumayo na.

"So friends pa din kayo? yie, friends with benefits ba 'to?" Pang-aasar ko, nakangiti pa.

"Bobo ng utak mo elite, umalis kana nga!" Sigaw ni kuya sakin pero tinignan ko lang sya nang nangaasar kaya mas lalo syang nainis. "Ihahampas ko 'to sayo!" hinawakan nya 'yung maliit na lamp sa gilid ng sofa kaya tumayo na 'ko at sumunod kay paisley palabas, ang gaga hindi ako hinintay.

"Nasan 'goodbye kiss ni kuya?" Tatawa-tawa kong tanong kay paisley nang nasa labas na kami ng bahay, ang bilis nya maglakad, hinahabol ko tuloy sya. siguro pinagmumu-mura na 'ko nito sa isip nya.

"Ang lakas ng trip mo ha, nadiligan kaba sa thailand?" Bigla syang huminto kaya napahinto rin ako. Sini-sink in sa utak 'yung sinabi nya, bigla akong namula at napaiwas ng tingin. "Hah! bagong dilig naman pala." Nakangisi na ang gaga ngayon.

"Hindi 'no! wala ngang nangyari e." Pinagpatuloy ko na ang paglalakad namin. Totoo naman e walang nangyari samin dun sa bangkok. sayang nga e. LoL.

Tumawa sya ng malakas buti nalang naglalakad kami sa subdivision, wala maganong tao. Naglalakad lang kami papuntang school kase malapit lang naman ska exercise na rin. "Isang taon na kayo pero wala paring nangyayari?! mahina ka sis." Kumunot 'yung noo ko sa kanya.

"Bakit ba mas problemado kayo sa sexlife ko? parehas talaga kayo ni yessie. baka kayo talaga magkapatid." Inirapan ko siya. "May tamang panahon kase para dun, hindi tulad ng iba dyan.. hindi pa nga sila nag-" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil hinablot nya bigla yung buhok ko. "Gago ka ha?!"

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon