27

203 13 13
                                    

Nicho's Point Of View.

"Daddy!"

Sinalubong kaagad ako ng anak ko pagkapasok ko palang ng pintuan ng unit. Pinapakain pa sya ng yaya nya pero tumakbo agad palapit sa akin, iniluhod ko ang isa kong tuhod para salubungin sya ng yakap, "Daddy, i missed you, mwah!" Niyakap nya 'ko sa leeg at hinalik-halikan ang mahkabilaang pisngi ko. Dahil dun, kahit paano ay nawala ang bigat sa dibdib ko.

Niyakap ko din sya habang haplos-haplos ang buhok nya, "Namiss ka rin ni daddy."

"Where is tita Astrid po? I thought you'd go home with her." Tanong nya kaagad nang magkalas kaming dalawa. Sinabi ko nga pala sa kanya na babalik ako na kasama ang tita nya.

Alanganin ngiti ang binigay ko sa kanya, "Hindi makakapunta si tita ngayon anak e, may problema kase." Paliwanag ko. Tumayo na 'ko at inakay sya papunta sa sala. Sumenyas ako sa yaya nya na iwan muna kami na ginawa naman nya agad.

"Ano pong problema ni tita, daddy? Can we help her po?" Inosenteng tanong nya nang maalalayan ko syang maupo sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya at inayos ang buhok nya sa harapan, nakapajama na sya ngayon at matutulog na ata.

"Uhm, ano kase anak," Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang nangyari. Hindi ko alam kung maiintindihan nya ba. Naging malapit na sya kay Yuna. "Si tita yuna kase.." Huminga ako ng malalim, "W-wala na si tita Yuna pumunta na sya ng heaven." Kumunot ang noo nya at nawala ang ngiti, nagtataka.

"Katulad po ni mommy? Pumunta narin po sya sa ng heaven?" Tumango-tango ako, "Why po?"

"Naaksidente si tita Yuna. Kaya sobrang sad ngayon ni tito Austin, kaya nandun si tita Astrid. Mas kailangan ni tito Austin mo si tita Astrid mo ngayon." Paliwanag ko uli sa kanya.

"Why did tita Yuna leave, daddy? Doesn't She love me anymore, like mommy?" Napakunot ang noo ko sa sinabi nya, parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa nang humikbi sya at tuluyan nang umiyak. Paano nya naisip na hindi sya mahal ng mama nya?

I gently pulled her closer to me and hugged her, "Mahal ka ng mama mo. Hindi dahil iniwan ka nya, hindi kana nya mahal. Mahal na mahal ka no'n anak. Pati si tita Yuna, mahal na mahal ka nya. Kailangan lang talaga nilang.." Napapikit ako dahil nag-init ang mga mata ko, hindi ako pwedeng umiyak. "Kailangan nya munang umalis." Pagpapatuloy ko.

"If they love us why did they leave?" Tanong nya habang umiiyak parin sa dibdib ko. Hindi ko rin alam anak, tatanong ko mamaya sa mga Authors.

Hindi ako makasagot sa kanya, hindi ko naman alam kung maiintindihan nya ang mga paliwanag ko. Baka lalo lang syang masaktan kapag pinagpatuloy pa namin ang usapang 'to. Nakatulog sya ilang minuto lang kaya binuhat ko na sya papasok sa kwarto nya.

Dahan-dahan ko syang inihiga sa kama nya at kinumutan hanggang sa dibdib. Nakita ko ang patak ng mga luha sa gilid ng mga mata nya, parang pinagsisisihan kong sinabi ko pa sa kanya 'yon. Pinunasan ko 'yon gamit ang thumb ko at hinalikan ko pa sya sa noo bago lumabas ng kwarto nya.

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil pupunta ako sa chapel, nag-message si Aaron na leave kaming lahat sa trabaho maliban sa kanya. Nakauwi na daw sya kagabi galing Singapore. Napauwi sya kaagad nang malaman ang nangyari.

"Daddy, where are we going?" Tanong nya habang tinatalian ko ang buhok nya. Sinuotan ko sya ng black satin dress, naka rubber shoes at pinasuot ko rin ng jacket dahil masyadong malamig sa chapel baka lamigin. Ako naman ay naka casual black polo shirt lang at jeans.

"Makikita mo si tita Ast," Sagot ko nalang sa kanya agad syang napangiti dahil dun.

"Really, daddy? We're going to see tita Astrid?" Tumango ako. Chapel naman talaga kami pupunta, lahat naman ay makikita nya dun. Sinabi ko lang na si Ast para ganahan sya. Sinama ko rin ang yaya nya dun. Buhat ko si Nymp ng pumasok kami sa chapel, "Daddy, nasaam po tayo?" Tanong nya, nagtataka.

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon