04

394 15 15
                                    

Luhan's Point Of View.

"Ang bobo naman, nich! huwag ka dyan! ay tanga, wala na. Walang kang kwenta!"

Padabog kong nilapag ang cellphone ko sa sofa dahil ang bobo ni nicholas maglaro. "Bobo 'yong cellphone! hindi ako, hindi ako. lag oh, lag!" Pinamukha nya pa sakin 'yung cellphone nyang bulok katulad nya.

Nandito kami sa condo namin, alangan sa inyo. Kararating lang namin galing sa trabaho at naglaro muna kami ng ML pampawi ng pagod. Pero nastress lang ako sa kanya. "Panget mo kalaro, pabuhat!" Binato ko sa kanya 'yung sapatos na napulot ko sa sahig, pero nailagan nya.

"Malas ka lang talaga kalaro!" Sigaw nya sakin sabay hagis ng mabaho nyang medyas sa mukha ko mabilis ang pangyayari kaya hindi ko agad na ilagan. Kadiri putang- Sinamaan ko sya ng tingin at aakmang susugurin sya nang biglang tumahol 'yung tuta na binili ko kahapon para kay yessie.

Regalo ko 'yon sa kanya, sobra kase syang nalungkot nung mamatay 'yung aso nilang si buratt, bulat, bulart? ah basta 'yung aso nila 'yung kamukha ni yohan nyahahaha! halfjoke.

"Psst, shut up!" Saway ko dun sa tuta, wala pa syang pangalan gusto ko si yessie na ang magbigay ng name.

"Wow, english! foreigner ba 'yang aso mo?" Hindi ko pinansin si nicho na ngayon ay inoopen na ang tv. Lumapit ako sa tuta at umupo para mahawakan ko sya lumapit din sya sakin habang gumagalaw-galaw 'yung buntot nya. Dinilaan nya 'yung kamay ko.

Kulay Brown sya na may pagkagold, sabi sa binilhan kong petshop 4 months palang daw 'to. babae sya. Simula nung binili ko sya wala syang ginawa kung hindi tumae at kumain, pati rin matulog. Muntik na nga syang itapon sa bintana ni nygel kanina, kase tinaihan nya 'yung sapatos ni nygel.

Ibibigay ko na sana 'to kay yess ngayon kaso sabi nya huwag ko na muna daw sya sunduin kaya bukas ko nalang siguro mabibigay. Sana matuwa sya.

Binuhat ko sya at dinala sa kitchen kung nasaan 'yung maliit nyang bowl, yung kainin nya. nilagyan ko 'yun ng cat food at nagsimula na syang kumain. Tinabihan ko na rin ng tubig para kapag nauhaw.

Nang okay naman na sya, pumasok na 'ko sa kwarto ko at naligo. Malaki ang condo unit ko. May apat syang kwarto, isang kusina dalawang sala at apat na cr may balkonahe din sa bawat kwarto. White and grey ang theme.

Simula nung mga nangyare months ago, marami nagbago sakin bukod sa mas gumwapo ako mas tumangkad pa 'ko. Minsan nalang kami tumambay sa mansion ni boss ni austin kase busy narin e. Halos kaming lahat nila nygel,paris,nicho,aaron,astrid at boss ay sa company na nagkikita-kita.

Magkakasama kaming tatlo nila nygel, nicholas at ako dito sa condo. Si paris lonely boy 'yun nasa kabilang unit sya, ayaw nyang sumama samin dito kase maiingay daw kami.

Katulad ng sinabi ko, maraming nabago hindi na kami gumagawa ngayon ng mga illegal na transaksyon or mga pasugalan. Goodboy na kami. Halos lahat kami ay sa kumpanya na ni boss nagtatrabaho. Masaya naman, wala namang problema. Sana.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na 'ko at lumabas na ng kwarto ko, dumiretso ako sa kusina. Maghahanap ng maluluto dahil ako lang naman ang gwapong marunong magluto samin, si nicholas sunog lagi ang ulam pag sa kanya ka nagpaluto, si nygel naman walang lasa. Hays, ang swerte nila sakin.

Bubuksan ko palang 'yung ref nang biglang may mag doorbell. "Hoy kumag, tignan mo nga 'yun!" Utos ko kay nicho. Hindi na sya nagsalita at dumiretso na sa pinto pero sumunod sa kanya 'yung tuta. "Hoy, sandali. Itago mo muna 'yung tuta!" Baka kase makawala.

"Tch, saan ko ilalagay 'yan?" Irita nyang tanong.

"Sa bunganga mo, baka kasya." Umulit-ulit 'yung doorbell, sino ba 'yang panget na mga bwisita na 'yan at hindi makapag-hintay. Hindi si nygel 'yan dahil may susi sya at busy pa 'yun makipag video call sa bebe nya sa rooftop. "Dali na, baka si yessie 'yan! surprise ko pa 'yan sa kanya bukas!" May hawak-hawak na kase akong gulay sa kamay. Minsan kase pumupunta bigla 'yun dito e.

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon