02

515 23 4
                                    

"Dito pa, hon!"

Umupo ako sa isang maliit na bench na pa-throne ang shape tapos may dalawang maliit na puno sa gilid. pinag-krus ko ang dalawa kong hita at tumingin sa malayo, hindi ngumingiti, fierce.

Nang mag 'okay' sign na si austin, tumakbo ako palapit sa kanya para makita 'yung mga pictures ko. "Waa! ang ganda ko dito, ilalagay ko 'yan sa IG." turo ko dun sa picture ko na nakaside view at saktong humangin kaya medyo nag-wave yung buhok ko.

After namin pumunta kala urassaya, kumain muna kami sa isang restaurant hindi nga ako masyadong kumain e, sabi ko kase kay austin gusto kong mapuntahan 'yung ibang mga shops para tikman 'yung mga iba pang sikat na food dito sa thailand.

Nang magsawa na kami, nag-ikot-ikot nalang kami sa mga tourist spot dito sa bangkok. Puro ako picture at si austin ang photographer ko, hindi naman sya nagrereklamo, aba subukan nya lang! char.

Kumuha din kami ng picture na kaming dalawa. pinipilit ko syang magpa-picture ng sya lang pero ayaw nya nung sinamaan ko sya ng tingin pilit syang pumayag, "Hon, Smile! Ngiti!" Ngumiti pa 'ko para gayahin nya, paano ba naman kase nakatingin lang sya sa camera na para bang magpapa-picture sya para sa I.D picture.

Buti walang mga paki yung mga taong nakikita kami.

Nilagay nya ang dalawa nyang kamay sa bulsa at ngumiti, nakatingin na sa camera. Napatigil ako nang magtama ang mga mata namin, hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya, sa unang tingin mo sa kanya mahahalata mong masungit at seryoso syang tao, pero habang patagal ng patagal mas nakikilala ko sya. Sobrang maalalahanin ni austin, sobrang amo nya kapag ako 'yung kasama nya. sobra nyang mapagmahal-

"Nangangawit na 'ko." Narealize ko na kanina pa pala sya nakangiti. God! sobra akong nadala sa ngiti nya.

"Uh, ito na, 1,2, smile!" After nun ayaw nya na talaga magpakuha, minsan ninanakawan ko sya ng picture like yung naka side view sya. wala namang pinagbago gwapo parin sya.

Nang mapagod na 'ko bumalik na kami sa hotel at nagpahinga. Kinabukasan niyaya ko uli si austin na lumabas. last day na namin ngayon dito kaya susulitin ko na.

We decided na huwag nang magdala ng kotse dahil mas maganda kung maglalakad lang kami para nakakapasyal narin. Nadaan namin yung Hua Lamphong Railway. Inikot namin 'yon at nung mapagod kumain kami sa isang Shop.

Nag-search ako ng mga magagandang pasyalan dito, nakuha agad ang atensyon ko nang isang kakaibang bazaar at mall.

"Hon, punta tayo dito oh!" Pinakita ko sa kanya 'yung picture.

"Okay." Simple nyang sagot habang kumakain tumangin pa sya sa pagkain ko na hindi pa nagagalaw.

"Tapos next sa beach naman, then-" Bigla nyang kinuha 'yung phone ko.

"Eat your food first." Seryoso nyang sabi at nilagay sa gilid nya 'yung phone ko, napanguso nalang ako at kinain na yung pagkain ko, pasimple ko sanang kukunin yung cellphone. "Hon." Binilisan ko nalang 'yung pagkain ko para makapunta na kami dun, excited ako e.

Malapit nang maubos yung pagkain ko samantalang si austin tapos na. "I'm full." Sabi ko at ngumiti sa kanya, kinuha ko ang bag ko, ready nang umalis kung hindi lang sana may dumating..

"Oh my god! Austin, is that you?" Tatayo narin sana si austin nang may biglang lumapit sa aming babae. Gulat na gulat sya nang makita si austin. Pero 'yung boyfriend ko tinignan lang sya ng walang emosyon. "Hey? can't remember me? Oh, it's hurt." Nilagay nya pa yung isa nyang kamay sa dibdib nya at umacting na nasasaktan. sakalin ko kaya 'to.

"I'm sorry? What's name again?" Nakakunot noong na tanong ni austin.

"I'm celine! your ex-fling!" Abot tengang ngiti nung babae, ex-fling huh. Bakit hindi ko alam 'yun? "Gosh! We have already met 2 years ago. How are you?"

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon