32

186 11 5
                                    

Nicholas's Point Of View.

"Hindi nya 'ko minahal, pare,"

Nilagok nya pa nang diretso 'yung basong sinalinan nya ng alak, "Biro lang daw lahat nang 'yon," Suminghot sya habang miserableng nakatitig sa basong hawak nya. "Hindi nya 'ko minahal."

"Ako nga minahal, pero iniwan parin." Sabi naman ni Nygel. Mga lasing na sila.

Payapa kong inaalagaan ang anak ko nang bigla akong tawagan nitong si Luhan, iniwan daw sya ni Yessie at gusto nyang uminom. Pagdating ko dito sa Club ni Astrid nandito na silang dalawa. Si Nygel naman iniwan din daw ni Rea. Ewan ko ba sa mga buhay nila at bakit sila iniiwan ng mga babae.

Napapaisip tuloy ako kung naging kami ba ni Astrid noon, maghihiwalay din kaya kami? Iiwan nya rin kaya ako?

May parte sa akin na masaya ako sa naging desisyon naming dalawa noon, hindi kami nagmadali. Binigyan namin ng oras ang isa't-isa. At may parte rin naman sakin na masakit kase baka hanggang kaibigan nalang talaga kami pero wala din naman akong magagawa, hindi ko naman sya mapipilit na mahalin ako. Sa ngayon, masaya ako at kuntento kung ano kami ni Astrid ngayon.

Kung saan sya kumportable at masaya, dun din ako. 'Yun naman ang mahalaga sa akin, ang masaya ang mga taong mahal ko, ayos na 'ko roon.

"Umasa ako, umaasa ako na mahal nya rin ako, umasa ako!" 'Yumuko sya at tinakpan ang mukha nya para hindi namin makitang umiiyak sya. "Umasa 'ko,"

"Baka naman may iba pang dahilan si Yessie." Sabi ko naaawa sa kanya, sa tagal ata ng pagkakaibigan namin ay ngayon ko lang sya nakitang umiyak nang ganyan, nahulog na talaga. "Huwag ka ngang tanga, alam mong hindi ganong tao si Yess. May iba pang dahilan kung bakit nya nasabi sayo lahat ng 'yon."

"Mas pinili nyang mapag-isa kaysa sa makasama ako." Napabaling naman ako kay Nygel. Tangina. Sino ba ang unnahin ko sa kanila?

At bakit ang tagal ni Paris? Kanina ko pa 'yon tinawagan para pumunta.

"Si Rea din, malay mo gusto nya lang talaga mapag-isa? Makapag-isip-isip. Sobrang nasaktan 'yung tao sa nangyari. Parehas kayong nasaktan, sa totoo lang tayong lahat nasaktan. Pero ngayon kapa ba susuko? Ang dami nyo nang pinagdaanan ni Alexa. Isipin mo nalang na babalik din sya sayo, pagsubok lang lahat ng 'to!" Tinapik-tapik ko pa sya sa balikat nya. Umiiyak na rin pala ang gago.

"Ang sakit, gago! Ang sakit!" Hindi ko alam kung maawa o matatawa ako sa itsura ni Luhan ngayon, iyak na talaga sya nang iyak. Hindi nya na mapigilang mapahagulhol. "Mahal ko sya, mahal na mahal ko! Bakit ngayon pa? Tangina! Bakit? Bakit? Mahal ko sya. Mahal na mahal! Bumalik kana sakin, yess. Huwag,"

Napailing-iling nalang ako at kumuha ng tubig para ibigay sa kanila. Buti nalang at nasa VIP room kami. Kilala na kami dito kaya kahit wala si Ast ay hinahayaan kami kung saan kami pumwesto. Si Ast ay wala pa dito pero ang sabi nya, pupunta daw sya.

Inabot ko sa kanilang dalawa ang tubig, nilaro-laro pa 'yon ni Nygel bago inumin. Si Luhan naman ay parang ginawang alak. They already wasted.

Lukot-lukot na ang mga damit nila at magugulo na ang buhok, sobrang pula na ng mga mukha at kaawa-awa na talaga ang sitwasyon.

"Anong nangyari sa mga 'yan?" sinamaan ko si Paris ng tingin dahil ngayon lang sya. Bakas sa mukha nya ang pagtataka nang makapasok sya at pagmasdan ang kalagayan ng dalawa.

Si Nygel nakayuko, umiiyak. Paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ni Rea.

Si Luhan, parang gusto nang tapusin ang buhay nya, "Hindi nya 'ko minahal."

"Mga broken sila, iuwi na natin baka madatnan pa ni Ast nakakahiya." Sabi ko sa kanya at inagaw ang hawak ni Luhan na bote, lalagokin nya pa sana 'yon. "Tama na, gago!"

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon