09

260 8 2
                                    

Yessie's Point Of View.

"Ang tagal naman ni ma'am, kailan ba sya dyan matatapos?"

Naiinip na bulong ko kay kloe habang nakikinig kami sa math teacher namin. Over time na kaya sya ng 2 minutes! fundamemtal operation, fundamental, magagamit ko ba 'yan sa future namin ni luhan?

Tinawanan lang ako ni kloe, hmp. "Miss ko na si luhan." Kamusta na kaya sya, isang araw na kaming hindi nagkikita.

"Kaka-vc nyo lang kagabi tapos miss mo na agad? Hala ka prenny, iba na 'yan ha." Tinignan ko si kloe ng nagtataka.

"Bakit? Sa tingin mo gusto na rin ako ni luhan?" Lalo syang natawa nung tinanong ko 'yun pero mahina lang para hindi kami mahalatang nagdadaldalan.

"I think ika-crush back kana nya!" Kinikilig na bulong nya, napangiti tuloy ako.

Nang lumabas na ang teacher namin tinext ko agad si luhan.

To: fbf

hello! hehe anong ginagawa mo?

Nag-reply sya agad.

From: fbf

Iniisip ka. Lol. Kumakain hahaha!

To fbf:

Ah, okay. Eat well.

Akala ko hindi na sya magre-reply pero nagreply pa sya.

From: fbf

Magkita tayo mamaya dyan sa school mo. May ipapakilala ako sayo.

To: Okay! sige! hihintayin kita!

Waaa! After non hindi na sya nagreply, kinikilig ako! Sino kayang ipapakilala nya sakin?  Excited na tuloy ako.

Nang sumunod na mga klase wala akong ibang inisip kundi si luhan, gustong-gusto ko nang mag-dismiss, curious na 'ko kung sino ang ipapakilala nya sakin!

Baka mamaya kasama nya na 'yung mama at papa nya, oh my god! hindi pa 'ko ready makilala sila future mama in law at papa in law!

Imagination~

"Ma, pa, si yessie nga po pala, future asawa ko. Sana matanggap nyo ang pagmamahalan naming dalawa." Hahawak sa kamay ni yessie. "Mahal na mahal ko po si yessie kaya kahit tumutol kayo mamahalin ko pa rin sya o kaya magtatanan kami."

"Anak ano kaba, tanggap namin sya. Kami na ang maga-asikaso sa kasal ninyo, okay ba 'yon?" Ngumiti ang mama ni luhan.

"Saan ba gusto nyong magpakasal? Sa US, Korea, Australia? Magoorder na 'ko ng susuotin nyo sa kasal." Nakangiting tanong ng papa ni luhan.

End Of Imagination.

"Waaaa! Omg!" Bigla akong siniko ni kloe. Napasigaw pala ako, tumingin tuloy sakin si ma'am at 'yung iba kong kaklase. Nakakahiya.

"Ms. Finlay?" Tanong sakin ni ma'am. Nakakatakot sya parang kakainin nya na 'ko ng buhay.

"Hehe, sorry po ma'am, may ipis po kase sa ilalim ng desk ko hihi. Pero ngayon po wala na." Waaa! -10 na 'ko sa langit.

Napailing-iling lang si ma'am sa akin at nag-discuss na uli.

Nang lumabas na ang last subject teacher namin, niligpit ko agad ang mga gamit ko. Ito na, kinakabahan ako! Ipapakilala na 'ko ni luhan sa mga magulang nya. Inhale.. Exhale..

"Atat na atat umuwi?" Natatawang tanong ni kloe.

"Tara na, bilis. Kinakabahan ako! Ipapakilala na 'ko ni luhan sa parents nya!" Nanlaki ang mga mata ni kloe.

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon