49

291 12 5
                                    


Tw: Self-harm, Deaths

Yuna's Point Of View.

"Collymore, I assign you the grenade,"

Kagat kagat ko ang daliri ko habang nagpaplano si Austin sa gagawin naming pagsugod kay Niel. Malinaw na malinaw amg sinabi nyang kami lang dapat ni Austin ang pumunta pero kilala namin sya. Isa syang traydor at hari ng kasinungalingan.

Alam naming isa lang 'yong patibong hindi kami tanga ni Austin para sumugod dun na kami lang dalawa. Alam kong papatayin nya rin ang mga anak namin at isusunod nya kami kapag sumunod kami sa gusto nya.

"Copy boss,"

Naga-asign na si Austin at ipinapaliwanag ang plano namin. Kami nila Kuya Yohan, Aaron ang mauuna dun. Magtatago sila Aaron at kuya sa compartment ng sasakyan.

Kapag nakapasok na kami ay sabay sabay na papalibot sa lugar sila Nygel, Nicholas, kuya Mael, at Paris. Mula sa malayo ay nakahanda na mga granada at baril nila. Makikita nila kami mula sa malayo gamit ang maliit na telescope.

Oras na magputok ng baril si Austin, 'yun ang magiging hudyat ng pagsugod naming lahat. Ako ang maghahanap kung nasaan ang mga anak ko. Habang si Austin ang magtatapos kay Niel.

May Plan B pa sila at 'yun ang paghingi ng tulong sa mga pulis oras na madihado na kami.

Hindi lalampas sa isang daang tauhan ni Austin ang sasama sa amin. Lahat sila ay nakablack at handang handa na. Puro Van na itim ang sasakyan nila.

"Sasama ko,"

Buong tapang na sabi ni Alexa habang palabas na kami.

"Rea?" Lumalim ang gatla sa noo ni Nygel. "Hindi 'to laro-"

"Seryoso, sasama ako." Pagmamatigas ni Rea.

"Hindi, pwede-"

"Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo. Hindi ko na kayang maghintay nalang dito habang ikaw ay nasa panganib ang buhay! Gusto kong sumama, gusto kong tumulong!" Puno ng sensiridad ang boses nya.

Napahilamos sa mukha si Nygel, "Fine, basta sa kotse ka lang-"

"No! Ayoko nga!" Angal agad ng asawa nya. "Kaya kong lumaban. Tinuruan mo na 'ko at nag-aral din ako sa London."

"Aish!" Stress na si Nygel. "Fine, basta hindi ka lalayo sa akin, Deal!"

"Deal."

"Me too," Sulpot ni Abby na mukhang handang handa na.

"No, you'll stay here!" Pagalit na sabi sa kanya ni Paris.

Abby just rolled her eyes at him, "I'll come with you guys. Whether you like it or not. Ska we're not close. So,You have no rights to tell me what-"

"I said, No." Hindi pinansin ni Paris ang sinasabi ni Abby.

"Yes!" Abby yelled. "Sasama ako."

"Ako rin, syempre." Sulpot naman ni Trisha na nagsusoksok ng mga baril sa tagiliran nya. "Tara na."

Hinawakan bigla sya bigla ni kuya Mael sa braso, "Huwag ka nang dumagdag, bumalik ka dun."

Sandaling natigilan si Trisha habang nakatitig kay kuya Mael. "Gusto kong sumama."

"Hindi na nga-"

"Sasama 'ko!" Inalis ni Trisha ang kamay ni kuya sa kanya. "Kailangan ako ng kapatid ko," She reasoned out.

"Let's go. What are you guys waiting for?" Astrid intruded.

"At sasama ka rin?" Nasstress na napahilot ng sintido si Nicholas. "Bakit ba ang kukulit nyong mga babae?"

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon