01

1.1K 28 24
                                    

"Baka naman busy lang."

"Busy? Really? na kahit itext ako or tawagan hindi nya magawa?" Inis kong sagot kay paisley na parang sya yung kinakainisan ko ngayon. Kanina pa 'ko wala sa mood buti na lang maagang nag-dismissed yung professor namin. "1 week syang walang paramdam. pais, Isang linggo."

Kinuha ko na ang bag 'ko pati na rin sya, ready nang umuwi. "E, nag boyfriend ka ba naman kase ng sobrang gwapo at yaman e. ang dami nyang responsibilities girl." Tumawa pa sya habang palabas na kami ng room.

"I'm the one of those, i'm his fiancé. ngayon 'yong anniversary namin sis," lalo akong nainis kay austin, 1 year na kami ngayon, pero kahit isang text manlang wala sya. "What if, nakalimutan nya talaga?" Tumingin ako kay paisley hoping that she would say no.

"Baka nga sis, Omg! baka nagsawa na sya sayo. baka sa sobrang busy nya nakalimutan kana talaga nya, ska diba may mga models sila dun sa company baka may nakilala dun si austin na mas maganda at mas sexy sayo. kaya ngayon wala syang paramdam dahil magkasama sila ng babae nya. kawawa naman sis." Hinagod nya pa ang likod ko at tinignan ako nang parang awang-awa.

"Salamat ha, nandyan ka. laking tulong ng advice mo, e." Inirapan ko sya at binilisan na ang lakad, gusto ko nang umuwi. Tumawa tawa lang sya habang hinahabol ako.

"I'm just kidding! hoy!" Hindi ko sya pinapansin. pagkalabas namin ng building ay dumiretso muna kami sa rest room para magpalit. ni-retouched ko rin yung make up ko ng slight. ayaw ko namang magmukhang hagard porket broken ako kay austin.

"Susunduin kaba ni kuya?" tanong ko nang makalabas na kami ng rest room.

"Yup, why? sasabay kana samin?" She replied. Naglalakad na kami ngayon papuntang gate.

"Hindi na, maging third wheel pa 'ko sa inyo." bumagal 'yong lakad namin nang mapansin naming ang daming tao sa sa labas ng gate at karamihan mga babae.

"Anong meron? may artista ba?" Tanong ni paisley sakin na parang alam ko, napakapit sya bigla sa braso ko. "OMG! baka may artista nga sis. tignan mo oh para silang may pini-picture an!" tili nya, well, hindi na bago dito sa school namin ang may pumuntang artista. kadalasan dito sila nagsh-shoot ng taping.

"I don't care, as if si song jong ki 'yan." Napanguso nalang sya. naglakad na uli kami paliko sa kabilang side ng gate mas maliit na entrance/exit 'yon. doon walang mga nagkukumpulan.

Napatigil ako sa paglalakad ganon din si paisley nang mag-ring ang phone ko. Biglang bumilis 'yong heratbeat ko nang makita kung sino 'yung tumatawag. "Yie! sagutin mo na, marupok ka e." She teased.

I bit my lower lip to stop myself from smiling. sinagot ko 'yun at hindi nagsalita. galit ako.

[Hi, hon. where are you?] Lalo akong napangiti nang marinig ko 'yung boses nya. si paisley naman tinatawanan ako, siguro nagb-blush na 'ko.

"Nasa earth parin naman." Pinilit kong maging cold 'yung boses ko para kunware galit. dapat galit ako.

i heard his chuckled. [I'm here in front of your school, hon.]

"Ahh-huh?!" Napalinga-linga ako nang marealized ang sinabi nya. "Anong ginagawa mo dyan?" I panicked. First time nyang pumunta dito.

[I want to see you.] Sagot nya may narinig pa 'kong mga boses ng mga babae. Gosh! huwag nyang sabihing..

"Papunta na 'ko dyan." Hindi ko na sya hinintay na sumagot, i ended the call at hinila na si paisley papunta dun sa mga nagkukumpulan.

"Oh. akala ko ba you don't care? bakit tayo papunta dyan?" Yung ngiti nya para talagang nang-aasar.

"Si austin, gaga nandyan." Gulat syang napatingin sakin pero napalitan din agad ng ngiting nang-aasar. binilisan namin ang lakad hanggang sa makalapit na kami, pero hindi ko makita si austin hindi kami makadaan.

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon