28

203 13 7
                                    

Yessie's Point Of View.

"Hi, ate!"

Nilapag ko ang isang bouquet ng bulalak sa ibabaw ng lapida nya at umupo sa harap nun, pinagpag ko pa ang mga tuyong duhon para malinis. "Sorry ha, hindi ako nakapunta kahapon. Sumakit nanaman kase 'yong ulo ko e." Nilabas ko sa bag ko ang dala ko palang kandila at sinindihan 'yon gamit ang dala kong lighter.

"'Yan ate, purple din 'yung kulay ng kandila mo. Kase diba favorite mo 'yon? Alam mo ba, muntik na 'kong maubusan ng tulips dun sa flower shop buti nalang close na kami nung nagtitinda dun kaya tinabihan nya 'ko," Pagk-kwento ko.

Hapon ngayon at medyo mainit pa buti nalang at malapit ang himlayan ni ate sa may puno kaya natatakpan ako ng sinag ng araw. Kinuha ko ang cellphone ko at nilagay 'yon sa camera. Tinaas ko 'yun para maabot si ate. Nag piece sign ako bago i-click ang botton. Pagkatapos kong tignan ang litrato namin ay bumaling uli ako kay ate.

"Kamusta kana dyan, ate?" Huminga ako ng malalim at pinilit ang sarili kong ngumiti, "Miss na miss na kita." Tumingala ako saglit dahil nagbabadya nanaman 'yung mga luha ko. "Alam mo ate, ang sungit sungit pala ng mga professor dun sa school nyo ni ate paisley 'no? Akala ko kapag nag-college na 'ko sabay tayo. Ikaw naman kase e, nang-iiwan ka."

Dalawang taon na ang lumipas noong mamatay si ate. Hanggang ngayon masakit parin sa akin. Masakit parin sa aming lahat. Sa tulong ng pamilya ko, nila luhan, kahit papaano ay nakabangon ako. Nakabangon nga ba? Hindi ko rin masabi e, simula kase nang mawala si ate parang dumilim na 'yung buhay ko. Parang nawalan ako ng isang paa. Sobrang hirap bumangon sa umaga at isiping wala na 'yung taong nakasanayan mo na, na laging nandyan.

Linggo-linggo ako dumadalaw dito kay ate at dinadalhan sya lagi ng nga bulaklak na paborito nya. Minsan sinasamahan ako nila luhan at kloe, kaso ngayon parehas silang busy e. Kaya ako nalang muna.

"Yess," Napalingon ako sa tumawag sa akin, sya rin pala. Lagi nya rin akong sinasamahan kapag dumadalaw ako kay ate. "Tumawag sakin si luhan, hindi ka daw nya ma-contact?" Lumapit sya sa harapan ko. Nasa kotse sya kanina, ang gusto ko kase minsan ay iwan nila akong mag-isa para makausap ko si ate ng sarilihan.

Tumayo na 'ko at pinagpag ang pantalon kong nadumihan sa dahil sa damo, "Na-lowbat ako e, ano bang sabi nya?" Tanong ko kay ate trisha.

"'Yun nag-aalala lang sayo," Tumawa pa sya saglit, "Akala nya kung ano na nangyare sayo." Napailing na lang ako.

Sumulyap ako sa puntod ni ate, "Alis na kami ate, babalik ako next week." sabi ko pa at kumaway bago ko ayain si ate Trisha paalis.

"Sinabi ni kloe hinimatay ka daw kahapon?" Tanong bigla ni ate Trisha habang nasa byahe na kami pauwi. Sumulyap sakin saglit, "Okay ka lang ba ha? Gusto mo samahan kita sa hospital? Mamaya ich-check ko ang-" Pinutol ko na ang sasabihin nya.

"Ayos lang ako ate trish," Ngumiti ako para makumbinsi ko sya, "Mainit lang siguro kahapon kaya ganon." Dagdag ko pa para hindi na sya mag-alala sa akin. Isa sya sa mga dumamay sa akin, sa mga hindi sumuko sakin. Simula ata ng mawala si ate ay sya na ang pumalit na ate ko. Pero syempre, hindi kailanman mapapalitan si ate yuna sa buhay ko. Sya lang 'yung nag-iisang the best sister para sa akin.

Pagkarating namin sa bahay ay nakita namin si kuya Yohan na nakasalampak sa sofa, mukhang pagod na pagod. Tumaas na kase ang posisyon nya sa kumpanya nila kuya Austin kaya sobrang busy nya na lalo. Si kuya mael naman ay manager na rin sa pinagt-trabahuan nyang coffee shop. Na-promote sya noon nakaraang buwan lang.

"Mauna na 'ko ha, dadaanan ko pa 'yung kuya mael mo e, " Paalam ni ate trisha sakin bago humalik sa pisngi ko. Hinatid nya lang talaga ako dito sa bahay. Pero lagi naman syang nandito para i-check kami. Para kase syang hinabilinan nila mama at papa sa amin. Si kuya mael kase sakitin kaya hindi na sila mapaglayo ni ate trisha. Lagi na ring wala sila mama dahil sa ibang bansa na ang iba nilang pinagkakaabalahang trabaho.

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon