25

227 12 8
                                    

Yohan's Point Of View.

"Nagbabagang balita, Isang sasakyan ang nasunog habang ito ay umaandar dito kalagitnaan ng mindanao ave. Ayon sa mga nakasaksi bigla na lamang daw itong lumiyab at nagsimulang lamunin ng apoy habang ito ay umaandar. Ayon pa sa mga.."

Napapikit ako sa hindi malamang dahilan. Nanginnginig ako ngayon. Tanging tunog na nanggagaling sa tv ang parang sumasaksak sa dibdib ko ngayon kasabay nun ang pag-iyak ng pamilya ko.

"Kuya, anong nangyare?" Napabaling ang atensyon kay mael na kararating lang. Kasama nya pa ang nurse nya at mukhang nagmadali silang makarating dito sa hospital. Napatingin sya sa katabi kong pintuan, "Anong ginagawa sa harap ng morgue, kuya?" Napayuko ako, hindi ko alam kung paano ko sasabihin.

Sobrang bilis ng mga pangyayari, hanggang ngayon ay hindi parin nagp-proseso sa utak ko kung ano ba talagang ginagawa ko dito.

Parang kaninang umaga lang kausap ko pa sya..

~

"Alis na 'ko," Paalam ko kay yuna na nasa kusina. Maaga kase akong aalis ngayon at maaga rin syang nagising para kumain dahil hindi daw sya kumain kagabi. "Hoy?" Tawag ko sa kanya dahil parang hindi nya 'ko narinig. Nakatulala sya sa pagkain nya.

"Ha?" Nagtataka nya 'kong tinignan. "Ano 'yun kuya?"

"Sabi ko, aalis na 'ko. Lutang ka. Kakapuyat mo 'yan!" Sagot ko habang nagsusuot na ng sapatos. Tinignan ko pa sya uli, parang amg lalim ng iniisip nya. "Ayos ka lang? May problema ba?"

Agad syang umiling at ngumiti, "W-wala 'to. Haha. Ingat ka sa pag-drive kuya!"

~

Ingat ako sa pag-drive ha? Tapos ikaw hindi ka nag-ingat?!

"Mael," Tawag sa kanya ni trisha nang bigla syang pumasok sa loob ng morgue, napansing nyang hindi ko masagot ang tanong nya.

Paano ko nga ba masasagot 'yon? Paano ko masasabing patay na 'yung kapatid namin? Na patay na si yuna?

Malakas 'yung tao. Wala syang sakit. Sino ang agad maniniwalang sa isang aksidente ay mamamatay agad sya?!

Napatakip ako sa mukha ko nang mas marinig ko pa ang iyakan nila sa loob. Mas lalo akong nanghina. Para akong sinasaksak sa dibdib.

"Yohan.." Napatingin ako sa tumawag sakin at dun na tuluyang bumuhos ang mga luha ko. Agad nya 'kong niyakap nang makalapit sya sakin, punong-puno ng pag-aalala ang mukha. Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko. Parang anumang oras ay babagsak na 'ko. "Shush.. K-kaya natin 'to.."

"H-hindi 'yon si yuna, hindi ba?" Sagutin mo 'ko, sabihin mo hindi. "Hindi si yuna ang nasa loob ng taxi na 'yon. Hindi sya 'yon. Hindi." Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanya, narinig ko lang ang paghikbi nya. Umiiyak na rin.

"Magpakatatag tayo. May possibility na hindi 'yon si yuna." Pagpapalubag-loob sa akin ni paisley habang yakap parin ako.

Napapikit ako nang maalala ko ang mga gamit na nakuha sa loob ng taxi. Gamit na sunog-sunog na. Isang bag, cellphone at engagement ring ang mga nakuha. Singsing na binigay ni Austin kay yuna. Nakasuot pa 'yon sa daliri ng isang sunog na sunog na katawan.

"Hindi!" Dahil sa panghihina ay napaluhod na 'ko. Lahat ng 'yon ay gamit ni yuna. Kahit sunog na ay hindi parin mapagkakailang sa kanya 'yon. Napaluhod din si paisley sa harapan ko.

"Magpa-DNA tayo. Para makasiguro-"

"Para makasigurong si yuna 'yon? Para makasigurong patay na ''yung kapatid ko?!" Hirap na hirap na 'kong magsalita. Naninikip ang dibdib ko.

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon