17

214 10 3
                                    

Nicholas's Point Of View.

"Nicholas? What are you doing?"

"AH! ANG SAKIT! NABALI ATA BUTO-BUTO KO!" inda ko, parang maiiyak na 'ko dahil sa ginawa nya. Dahan-dahan kong ginalaw ang mga kamay ko, sobrang lakas nya. Pakiramdam ko nadislocate ang mga muscles ko. "'Yung muscles ko."

"Wow? do you have muscles?" Lumapit sya sakin, "It's your fault. I was shocked so i had no choice, i thought you're stranger." Hindi manlang nag-sorry. Kung hindi mo lang birthday at hindi kita mahal gagawin ko din sayo 'yung ginawa mo, kaso mahal kita.

"Mukha ba 'kong stranger?" Tanong ko sa kanya at inistretch ang mga braso ko.

"I couldn't see your face." Sagot nya, "So, what did you do that? What are you doing here after all?"

Ska ko lang naalala kung bakit ako nandito, napakamot ako sa ulo ko. "Uh.." Paano ko ba sasabihin? 'May surpresa kami sayo sa loob astrid' , 'Sumama ka sakin sa loob pero dapat nakatakip ang mga mata mo.' Ano ba 'yan nakalimutan ko 'yung sinabi ni yuna.

"Come on!  I need to go inside." Sungit.

"Uh! ano kase, kailangan kitang i-blind fold bago ka pumasok sa loob." Kumunot ang noo nya.

"What for?" Napakamot nanaman ako sa ulo ko.

"Basta kailangan mo munang i-blind fold- HOY, SAN KA PUPUNTA?!" Habol ko sa kanya nang bigla nya 'kong talikuran at maglakad papunta sa entrance. Pinigilan ko ang kamay nya. "Ast," Tawag ko sa kanya pero hindi sya nagpapigil, bigla nyang binuksan ang pinto.

"Why is it dark here? Where's the lights-"

"SURPRISE!!"










Yuna's Point Of View.

"Ang tagal naman ni nicho,"

Bulong ni luhan sa tabi ko, "Tita, bakit po madilim?" tanong naman ni nympis sa gilid ko, hawak-hawak ko sya at nasa tabi nya si austin.

"Shush, su-surpresahin natin si tita Astrid." Sagot ko sa kanya gamit ang mahinang boses. Nakapa U kami dito lahat hinihintay na pumasok si Astrid at Nicholas. Nandito kami ngayon sa club ni Astrid, wala syang kaalam-alam na kanina pa kami naghahanda dito para sa birthday nya. Kasabwat pa namin 'yung isa nyang staff kanina.

"Surprise?" Tumango ako sa kanya, may kunting ilaw naman kaya nakikita namin ang isa't-isa.

"Yan na, 'yan na!" Sumenyas si luhan sa amin, sila ni nygel ang nasa magkabilaan ng entrance, si paris naman ang nasa switch ng ilaw, nag-aabang. Sila yess at paisley nasa tabi nila luhan at nygel, may hawak na confetti.

"Why is it dark here? where's the lights-"

Bumukas na ang ilaw, "SURPRISE!!" Sabay-sabay naming sigaw nang makapasok na si astrid kasabay nun ang pagputok ng confetti, bakas sa mukha nya ang pagkagulat.

"Gosh! I almost die!" Nakahawak sya ngayon sa dibdib nya, nakita namin si nicho na hindi maipinta ang mukha sa likuran ni astrid, minamasahe ang mga braso, anong nangyare dun?

"Happy birthday!"

"Happy birthday tita!"

"Happy birthday ast!" Bati namn sa kanya.

"Surprise 'to! Nyahahaha! happy birthday!" Pumapalakpak pa si luhan.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya, "Happy Birthday!"

"Oh my god, thank you!" Para na syang maiiyak nang kumalas ako sa kanya. "Thank you guys!"

"Oh! Nasaan na ang itlog!" Sigaw ni luhan. Biglang nagpanic si astrid, hindi alam ang gagawin nang makita nyang kumuha ng tag-iisang itlog ang mga lalaki. Mga siraulo, akala ko nagbibiro lang sila kanina.

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon